Isang babae ang tumulong sa isang lalaki na halos mawalan na ng malay sa sobrang lamig at gutom. Makalipas ang 20 taon ay bumalik sa kanilang tahanan ang lalaking ito!

Isang babae ang tumulong sa isang lalaki na halos mawalan na ng malay sa sobrang lamig at gutom. Makalipas ang 20 taon ay bumalik sa kanilang tahanan ang lalaking ito!

Napakaraming nakakabiglang kaganapan sa ating kapaligiran sa araw-araw. Sabi nga ng mga nakatatanda, nasa sa inyo na lamang pamamaraan at pag-iisip kung paano kayo magiging maligaya at kuntento sa inyong buhay.

Kamakailan lamang ay umantig ang kwento ng isang babaeng ito sa publiko. Ang kaniyang kasal sa isang lalaking hindi niya kilala ng lubos ay talagang nagpalungkot lalo ng kaniyang buhay.

Kinailangan niyang pakasalan ang lalaking ito dahil ito ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang. Kalaunan ay nagkaroon sila ng tatlong mga anak na babae.

Nanirahan siya sa isang tahanan na kasama ang kaniyang biyenang babae, asawa, at mga anak. Katulong lamang ang turing sa kaniya ng mga ito dahil hindi siya maaaring sumabay sa kanila sa pagkain.

Kailangan niyang hintayin na matapos sila at saka pa lamang siya maaaring kumain ng mga pagkain na siya rin naman ang naghanda. Tanging mga tira na lamang nila ang kaniyang pinagtitiyagaang kainin.

Isang gabi ay umalis ang mga ito upang mamasyal, tulad ng dati ay iniwan nila siya na mag-isa sa kanilang tahanan. Maya-maya ay mayroong kumakatok sa kanilang pintuan.

Agad naman niya itong pinagbuksan at labis siyang nagulat nang makita niya ang isang binatilyo na tila babawian na ng buhay dahil sa sobrang panginginig nito sa buong katawan marahil dahil sa malamig na panahon sa kanilang lugar. Gutom na gutom na rin daw ito ay nanghingi ng kaunting pagkain.

Agad naman itong pinatuloy ng babae at pinakain. Nakiusap ang lalaki kung maaari siyang makituloy muna sa tahanan ng babae dahil hindi raw talaga niya kakayanin ang matinding lamig sa labas.

Hindi batid ng babae ang kaniyang isasagot dahil hindi rin naman kasi maganda ang trato sa kaniya ng kaniyang pamilya doon. Sinubukan niyang itago ang binatilyo ngunit agad din itong nadiskubre ng kaniyang asawa.

Pinagtabuyan nito ang binatilyo palabas at pinagalitan ang kaniyang asawa sa pagtulong dito. Nang makaalis nang muli ang kaniyang mister ay binigyan ng babae ng pinaglumaang damit ng kaniyang mga anak ang lalaki at pinagbalot din ng makakain.

Laking pasasalamat ng lalaki sa tulong na ito sa kaniya ng babae. Lumipas pa ang maraming taon at ang kaniyang asawang lalaki ay pumanaw na, ang kaniyang biyenan ay nasawi na rin.
Samantalang ang kaniyang mga anak na babae ay sa siyudad na naninirahan kasama ang kanilang mga asawa. Mag-isa na lamang ang babae na matanda at sakitin na.

Hindi na rin siya dinadalaw ng kaniyang mga anak. Isang araw ay mayroong kumatok sa kaniyang pintuan, nagulat siya dahil isang lalaki ito na para bang nasa 30s na ang edad.

Nagpakilala ito at ito pala ang binatilyong kaniyang tinulungan. Kinumusta siya nito at nakita ang nakakalungkot niyang kalagayan. Ninais ng lalaki na siya ay tulungan at inalok siya kung gusto niyang manirahan sa kanila kasama ang kaniyang asawa.

Hindi pumayag ang babae noong una dahil batid niyang magiging pabigat lamang siya sa lalaki at sa asawa nito. Ngunit sadyang napakakulit ng lalaking ito at kalaunan ay pumayag na rin ang matandang babae.

Sinong mag-aakala na ang dati niyang tinulungan ay nakaligtas pala at ngayon ay siya naman ang tinutulungan ngayong mag-isa na lamang siya at malungkot sa buhay? Buti na lamang at noon pa man ay mayroon nang mabuting puso ang matandang babae.

Ngayon ay tiyak na magiging masaya na siya sa piling ng mga taong talagang nagmamalasakit at nagmamahal sa kaniya. Dahil sa kwentong ito mas maraming mga tao ang tiyak na magkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Hindi dahil nasa kahirapan at matinding pagsubok tayo sa ngayon ay mananatili na lamang tayong lugmok sa pasakit. Darating din ang araw at magiging maligaya, kuntento, at payapa rin ang ating mga puso.

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *