Marami ang naantig sa kwento na ito ng batang si Xiaoyue. Ang kanilang bahay ay matatagpuan sa paa ng mataas na bundok. Noon ay marami pang pamilya ang naninirahan doon ngunit unti-unti na rin silang nababawasan dahil marami na ang umaalis upang maghanap ng mas magandang buhay.
Kasama ni Xiaoyue ang kaniyang lolo sa kanilang munting tirahan. Ang nanay niya ay isa namang Vietnamese.
Napakaganda raw nito ngunit tatlong taon na rin ang nakararaan nang bumalik ito sa Vietnam dahil raw sa sobrang hirap ng kanilang buhay roon. Sinakap namang hanapin ng tatay ni Xiaoyue ang kaniyang ina ngunit sa tatlong besesn itong paghahanap sa asawa ay agad din itong sumuko na lamang.
Anim na taong gulang na si Xiaoyue at nais na nitong pumasok sa paaralan ngunit ang sabi sa kaniya ng kaniyang lolo ay kailangan pa nilang hintayin ang pagbabalik ng kaniyang ama. Sa Zhejiang nagtatrabaho ang kaniyang ama at halos isang beses sa isang taon lamang nagkakasama ang mag-ama.
Mataas ang pagrespeto ni Xiaoyue sa kaniyang ama kung kaya naman kahit hindi sila madalas magkita at hindi ito kailan man nagkaroon ng sama ng loob rito. May mga panahon din na nalulungkot si Xiaoyue dahil sa hindi niya kasama ang kaniyang mga magulang ngunit naririyan naman ang kaniyang lolo upang siya ay alagaan.
Gayun din naman ay ang kaniyang aso na matalik niyang kaibigan. Ang asong ito ay regalo sa kaniya ng kaniyang lolo.
Sa tuwing abala ang kaniyang lolo ay ang aso na ito lamang ang kaniyang kasa-kasama. Sa edad na anim ay marunong nang magluto si Xiaoyue.
Tumutulong din ito sa pag-aani ng mga pananim ng kaniyang lolo at tiyuhin. Paborito ni Xiaoyue ang potato soup na palaging inihahanda para sa kaniya ng kaniyang tito at tita.
Matagal na ring hindi nakakakain ng karne si Xiaoyue ngunit sa tuwing dadalaw siya sa tito at tita niya ay nakakain siya nito. Kung kaya naman laking pasasalamat din ni Xiaoyue sa kanila.