Isang ama na iniwanan ang kaniyang anak sa mga lolo at lola nito dahil sa trabaho, laking gulat nang malaman na ganito na pala ang anak niya sa ngayon!

Marami sa ating mga Pilipino ang palaki ng lolo at lola. Hindi kasi tulad ng ibang mga dayuhang kultura ay talagang nakagawian na natin noon pa man ang pagkakaroon ng malapit na pamilya.

Kahit gaano pa man kalaki ang ating pamilya ay tiyak na mayroong panahon upang magkita-kita at magkakila-kilala ang bawat isa. Dahil madalas na nagtatrabaho ang mga nanay at tatay, naiiwanan ang kanilang mga anak sa mga lolo at lola.

Kamakailan lamang ay naantig ang publiko sa kwentong ito ng isang ama na iniwanan ang kaniyang unica hija sa poder ng lolo at lola nito. Hindi niya kasi mababantayan ang kaniyang anak dahil magiging sobrang abala nito sa kaniyang trabaho.

Masayang masaya namang tinanggap ng lolo at lola ang napaka-cute nilang apo. Ang batang ito pala ay talagang pihikan at mapili sa pagkain.

Ngunit nang siya ay alagaan na ng kaniyang lolo at lola ay nasanay na itong kumain ng mga mas masusustansiyang pagkain. Malayo rin ang bahay ng kaniyang lolo at lola sa siyudad kung kaya naman walang tiyansang mawili ito sa mga pagkaing nabibili sa mga fast food chain.

Nasanay ang bata na kumain ng gulay at prutas. Nang matapos na ang trabaho ng kaniyang ama at susunduin na niya ang kaniyang anak ay laking gulat nito dahil kitang-kita sa katawan at kutis ng kaniyang anak ang napakagandang pagbabago.

Hindi na ito maputla at hindi na rin ito payat. Kitang-kita din na mas naging matibay at malakas ang pangangatawan nito.

Talaga namang labis labis ang pasasalamat ng tatay sa lolo at lola ng bata dahil sa naging pag-aalaga at pag-aasikaso nila sa kaniyang anak habang siya ay nagtatrabaho. Tunay ngang wala pa ring papantay sa dakilang pagmamahal ng mga lolo at lola sa kanilang mga apo.

Hindi na nakapagtataka kung bakit mahal na mahal natin ang ating mga lolo at lola kahit pa nga minsan ay makakalimutin na sila at tumatanda na. Hinding-hindi natin malilimutan ang kanilang pag-aalaga at pag-aasikaso sa atin.