Charcoal painting ng isang Pinoy artist, maaari nang umabot ng 40 milyong piso ang halaga dahil sa autograph ni Michael Jordan!

Charcoal painting ng isang Pinoy artist, maaari nang umabot ng 40 milyong piso ang halaga dahil sa autograph ni Michael Jordan!

Mula noon hanggang ngayon, marami pa ring mga Pilipino ang talagang hindi nagpapahuli pagdating sa mga talento. Nariyan na ang talento sa pag-awit, pagsasayaw, pag-arte, pagpipinta at marami pang iba. Kamakailan lamang ay marami ang namangha sa Pinoy artist na si Christian Talampas.

Dahil sa malaki ang posibilidad na maging 40 milyong piso na ang halaga ng kaniyang charcoal painting ng basketball legend na si Michael Jordan matapos niya itong lagyan ng kaniyang autograph. Tinawag na “Last Shot” ang obra niyang ito na talaga namang nakapagpabilib din sa marami.

Ang naturang artwork ay mula sa larawan kuha ng NBA photographer na si Fernando Medina noong 1998. Naganap ang kuhang ito sa championship match sa pagitan ng Chicago Bulls at Utah Jazz.

Ayon pa sa ilang ulat, ang larawang ito ay nakabilang sa “100 Greatest Sports Photos of All Time”. Si Christian ay isang delivery driver noon ngunit dahil na rin sa matinding epekto ng pandemya ay kinailangan na niyang maghanap ng ibang mapagkakakitaan.

Dahil mayroon din siyang apat na anak ay kailangan niya talagang kumita at patuloy na maghanap-buhay. Ipinagpatuloy niya ang charcoal painting kung saan kumikita siya ng ilang daang piso sa bawat artwork na kaniyang matatapos.


Dahil sa hindi pa rin sapat ang kinikita ni Christian ay naisipan niyang gawin ang sikat na larawan ni Michael Jordan na “Last Shot”. Matapos nito ay ibinahagi niya sa social media ang kaniyang mga nagawang obra.

Sinubukan niya ring maparating sa sikat na basketbolista ang kaniyang mga likha.
“I can accept failure, but I can’t accept not trying.”caption niya sa kaniyang post na mula rin mismo kay Michael Jordan.

Dahil dito ay mayroong tumulong sa kaniya na isang kolektor ay dito na nga nagkaroon ng pagkakataon na mapirmahan mismo ni Jordan ang kaniyang obra! Ayon naman sa isang gallery owner, ang obrang ito ay maaari na ngayong maibenta ng 40 milyong piso dahil sa pirma mismo ni Jordan!

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *