Whamos Cruz at Antonette Gail, masayang ibinahagi ang kanilang baby gender reveal sa publiko!

Ang pagkakaroon ng anak ay isang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Isa ito sa mga pagpapala na talagang hindi matutumbasan ng kahit gaano kalaking halaga ng pera.

Ang pagiging magulang ay maaaring madali ngunit maaari din namang mahirap para sa karamihan sa atin. Masarap sa pakiramdam na maging isang magulang ngunit malaking hamon din naman ang dami ng responsibilidad na kailangan nating gampanan sa oras na tayo ay naging mga magulang na.

Isa na marahil sa pinakasikat na personalidad ngayon online ang magkasintahang Whamos Cruz at nobya nitong si Antonette Gail. Noong una ay inuulan pa ng pambabatikos ang dalawa dahil sa hindi naman daw kagwapuhan si Whamos habang si Antonette naman ay may angking ganda.

Ang inaakala ng karamihan ay ginagamit lamang diumano ni Antonette ang kasikatan ni Whamos upang siya ay sumikat din. Hindi lamang iyon dahil marami pang masasakit na bintang at salita ang naging komento ng publiko sa kanilang relasyon.

Sa kabila nito ay hindi naman sila nagpatinag. Bagkus ay naging mas matatag pa nga sila.

Sa ngayon ay buntis na si Antonette at talagang nasasabik na silang masilayan ang kanilang anak. Sa naging “gender reveal party” nila ay ibinahagi nila sa kanilang malalapit na kamag-anak at kaibigan na magkakaroon na sila ng “baby boy”.
“Meteor” naman ang ibinigay nilang palayaw para sa kanilanga panganay. Ayon sa naging pahayag ni Whamos, labis daw talaga siyang nasasabik na malaman ang kasarian ng kanilang anak.

Dahil raw dito ay hindi siya talaga nakatulog. Gusto rin daw niya talaga ang anak na lalaki ngunit anuman ang ibigay sa kanila ay lubos niyang ipagpapasalamat basta’t malusog raw ang kanilang magiging anak.

Sa video nga na kuha ng Nice Print Photography ay nakita ng publiko na “baby boy” ang kanilang magiging anak na talagang ikinatuwa nilang lahat. Bumuhos din naman ang pagbati ng maraming netizens sa magkasintahan para sa biyayang ito.