Video ng isang aso na nagmamakaawa sa isang lalaki na huwag silang iwanan sa kalye, umantig sa puso ng publiko!

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin talagang mga tao ang walang awa na nag-aabandona sa mga kawawang hayop kung saan saan na lamang. Halimbawa na lamang ang isang lalaking ito na nakuhanan pa ng video.

Makikita sa naturang video ang paghinto ng kaniyang sasakyan at ang pagbaba nito dala ang isang malaking kahon. Kasunod nito ay ang paglabas ng isang aso.

Ang asong ito ay namataan pang tila nagmamakaawa sa lalaki na huwag silang iwanan ng kaniyang mga tuta sa lansangan. Kalaunan ay natuklasan ng mga otoridad na mayroon palang 5 mga tuta sa loob ng kahon at ang asong nakita nilang nagmamakaawa sa lalaki ay ang nanay ng mga ito.

Sinubukan man ng aso na magmakaawa sa kaniyang amo ay hindi ito natinag at agad agad pa rin itong umalis at tuluyan na silang inabandona. Kaagad din namang napatingin sa beterinaryo ang aso at ang kaniyang mga tuta.

Ngunit natuklasan nilang mayroon palang breast canc3r ang nanay na aso. Nang magkaroon pa ng ibang mga pagsusuri ay natuklasan nilang hindi pala ito canc3r kundi “pyometra” na isang mapanganib na “womb infection”.

Kinakailangang sumailalim sa isang operasyon ng nanay na aso sa oras na tumigil na sa pagdede sa kaniya ang kaniyang mga supling. Nilinis din ng husto ang bahaging ito ng katawan ng nanay na aso upang hindi makuha ng kaniyang mga anak ang naturang sakit o impeksyon.

Nais man ng shelter kung nasaan ang aso at mga anak nito na maging maayos ang kalagayan nito ay tila mahihirapan sila ng husto dahil wala silang sapat na pondo dahil na rin sa pandemya. Sa kasalukuyan kasi ay mayroon na silang 1000 mga hayop na pinapakain at inaalagaan.

Halos wala na ring donasyon na pumapasok sa kanila dahil sa hirap ng buhay na sinabayan pa ng pandemya. Dahil dito ay nagdesisyon silang maglunsad ng isang social media compaign upang makalikom ng pondo.

Marami namang mga tao ang talagang nagpapaabot ng tulong nila malaki o maliit man ito.