“Tokyo’s tiniest luxury apartment”, nagpamangha sa maraming mga netizens dahil sa sobrang kalinisan at pagiging organisado nito!

Kapag sinabing Japan, talagang maraming mga Pilipino ang nakakabatid ng angking kalinisan ng bansang ito at ang pagiging disiplinado ng mga taong naninirahan dito. Pagdating sa pagiging magalang, marespeto, at nasa oras ay talagang mga Hapon ang kilala sa ganitong kaugalian na kinabibiliban ng maraming mga tao sa buong mundo.

Kamakailan lamang muli na namang namangha ang maraming mga netizens dahil sa vlog na ito ng isang YouTuber. Sa YouTube channel kasi na “Tokyo Lens” ay makikita ang napakaganda, organisado, at talaga namang nakakamanghang “luxury apartment” sa Tokyo, Japan.

Hindi lamang ito basta basta isang apartment dahil talagang napakaliit nito kung tutuusin. Ngunit hindi naging hadlang ang pagiging maliit nito upang makapamuhay ng maayos dito. Sulit na sulit at talagang panalo raw kasi ang pagtira sa apartment na ito dahil halos lahat ng mga kailangan mo ay naroroon na.

Pagpasok pa lamang ay maaliwalas at organisado na ito. Mayroon din itong lagayan ng mga sapatos at tsinelas.

Mayroon ding mga closet para sa maruruming mga damit. Kung sakaling may ilalagay rin ang titira dito na washing machine ay maaari din silang maglagay sa espasyong nakalaan para dito.

Pagdating naman sa lutuan ay mayroon nang induction heater at sink kung saan maaaring magluto at maghugas ng pinagkainan. Maging ang banyo ng naturang apartment ay kamangha-mangha din.

Nakahiwalay kasio ang shower area at ang washroom area. Maging ang toilet bowl dito ay automatic din, remote operated para sa maginhawang paggamit nito.

Ang main room naman nito ay halos kasing laki din ng isang queen size bed. Mayroon din namang loft area kung saan maaaring matulog, makikita ang isang hagdan na paakyat sa loft area.

Maaaring maliit lamang ang lugar na ito ngunit talagang magandang tirahan na ito lalo na sa mga single at sa mga estudyanteng mag-isa lang naninirahan sa Tokyo. Talaga namang napakaganda at napakaaliwalas ng apartment na ito.