Pusa na araw-araw pumupunta sa isang tindahan upang magpabili sa mga mamimili rito ng “cat treats”, usap-usapan ngayon online!

Marahil ay marami sa atin ang nakakapansin na mayroong iba’t-ibang pamamaraan ang mga pusa upang manghingi ng pagkain o ng “treats” sa kanilang mga amo. Kadalasan ay talagang napakacute nila, hindi ba?

Mayroon din namang iilan na hindi natatakot na manghingi kung talagang kinakailangan. Tulad na lamang ng isang pusa na ito na kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng marami.

Si Tania Sants mula sa Mexico ang nagbahagi ng larawan ng pusang ito. Ayon sa kaniya, papauwi siya noon nang makita niya ang isang pusa sa isang tindahan.

Napakacute daw ng kulay puting pusa na iyon at tila nangungusap daw ito sa kaniya na ibili niya ito ng cat treats! Dagdag pa niya ay talagang pinapasok raw siyang pusa sa bilihan ng mga cat food at cat treats at nang nasa lugar na sila kung nasaan ang mga treats ay doon na sila huminto.

Hindi na raw napigilan pa ni Tania ang kaniyang sarili at ibinili na niya ang napakacute na pusang ito. Ilang araw pa ang lumipas ang muling naulit ito.

Alam na niya kung ano ang gustong mangyari ng pusang ito kung kaya naman ibinili na niya ito kaagad ng gusto nito. Nalaman din ni Tania na hindi lamang pala siya ang nabiktima ng pusa na ito dahil marami na rin silang bumibili ng treats para sa kaniya.

Nang malaman niya ito ay nagdesisyon siyang kuhanan ng video ang ginagawa ng pusa at doon niya nalaman na ang tanging gusto lamang nito ay makakain sa araw na iyon at isang tahanan na tatanggap at magmamahal sa kaniya. Labis siyang nahabag sa pusa kung kaya naman minabuti niyang ampunin na lamang ito.

Sa ngayon ay masaya na at komportable ang pusa kasama si Tania at ang iba pang alaga nitong hayop. Sinong mag-aakala na makakatagpo rin pala siya ng taong magmamahal at kakalinga sa kaniya?