Paglalambingan ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao pumukaw sa atensyon ng publiko!

Kilala ng marami ang personalidad na si Manny Pacquiao dahil makailang beses na rin niyang binigyang karangalan ang bansa pagdating sa boksing. Talagang maraming mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo ang proud na proud sa kaniya.

Ipinamalas niya kasi sa buong mundo ang tatag at lakas ng mga Pilipino. Ngunit tulad ng marami sa atin ay humarap din naman siya sa matinding pagsubok at kontrobersiya.

Maging ang kaniyang pamilya partikular na ang buhay nilang mag-asawa ay hindi na lingid sa kaalaman ng publiko. Dumaan talaga sa matinding pagsubok ang kanilang pagsasama.

Mula sa hirap hanggang ginhawa kasama ang lima nilang mga anak. Ngunit nagawa pa nila itong maisalba.

At ngayon nga ay talagang matatag na matatag na sila at ang kanilang pamilya. Pumukaw pa nga sa atensyon ng publiko ang pagiging sweet ng dalawa. Tulad na lamang ng isang video kung saan makikitang magkalapit ang kanilang mga mukha na tila may ibinubulong si Manny sa kaniyang misis na abala naman sa pagtingin sa kaniyang cellphone.

Umani ito ng higit 4.1 milyong views at 209,000 likes. Mayroon din silang video habang nagsasayaw sila sa saliw ng tugtog ni Lady Gaga na “Always Remember Us This Way”.

Habang umabot naman ng 2.1 milyong views naman ang video kung saan makikitang todo-suporta si Jinkee sa pag-eensayo ng kaniyang asawa.
Bumuhos ang reaksyon ng publiko ukol dito.

Marami ang labis na kinilig dahil sa halos dalawang dekada nilang pagsasama bilang mag-asawa buhat nang ikasal sila noong 1999 ay mas nagiging sweet at caring pa sila sa isa’t-isa. Napa-“sana all” din ang maraming mga netizens dahil hindi naman lahat ng relasyon ay tulad ng kanilang pagsasama.

Sa ngayon ay mas tumibay at tumatag pa sila dahil ang buong pamilya nila ay sama-samang sumasamba at nagpapatatag ng kanilang mga espiritwal na buhay. Talagang kamangha-mangha hindi ba?