Isang babaeng bus driver ang nagtitirintas ng buhok ng isang estudyante dahil sa hindi ito kayang gawin ng kaniyang ama!

Isang estudyante ang araw-araw na lamang pumapasok sa paaralan nang gulo-gulo ang kaniyang buhok. Hindi raw kasi kaya ng kaniyang ama na ayusin o itirintas man lamang ang mahaba niyang buhok.

Nang mapansin ito ng mabait na bus driver ay siya na mismo ang nag-ayos nito para sa estudyante. Ang mabait na driver ay nakilala bilang si Tracy Dean.

Siya ang tumulong sa batang si Isabella Pieri. “Messy ponytail” ang palaging suot nito sa tuwing papasok siya sa eskwela. Para bang ito ay pinusod na lamang agad nang hindi man lamang ito inaayos o sinusuklay.

Nang mapansin ito ni Tracy nang makailang beses ay tinanong na niya ang bata kung bakit palaging ganoon ang kaniyang buhok. Sinagot naman siya nito at sinabing dalawang taon na raw ang nakalilipas buhat nang sumakabilang-buhay ang kaniyang ina.

Hindi humihingi ng tulong si Isabella kahit kanino maliban na lamang sa kaniyang ama. Dahil sa hindi raw ito kayang ayusin o gawin ng kaniyang ama ay si Isabella na lamang ang gumagawa nito ngunit palaging hindi maganda ang kinalalabasan.


“It would get so tangled up — I didn’t know how to take care of it,” Pagtatapat ng tatay ni Isabella na si Philip Pieri.

“And then, finally, she got mad at me and wouldn’t let me touch her hair anymore, so I said, ‘The only way we’re gonna get that big of a mess out of it is just to cut it all off and start all over again.’ I don’t know how to take care of long hair, so I kept telling her either you’ve got to comb it out, or we’ve got to cut it short,” he said, noting that it would wind up in tangles when it grew longer. “It’s an ongoing issue for probably the past couple of years back and forth.”Dagdag pa niya.

Dahil na rin dito ay nagmagandang-loob na si Tracy kay Isabella na siya na raw ang bahalang mag-ayos ng kaniyang buhok araw-araw bago siya pumasok sa eskwela. Laking tuwa rin naman ni Isabella dahil sa wakas ay magiging maayos na ang kaniyang buhok.