Nakaka-good vibes na harutan ng isang munting tuta at kuting, umani ng maraming komento mula sa mga netizens!

Nitong mga nagdaang taon ay talagang marami na tayong pinagdaanang pagsubok at hamon ng buhay. Mahirap man at talagang madalas ay gusto na nating sumuko, mas nananaig pa rin ang pagiging matatag at positibo ng nakararami sa atin.

Ganun nga siguro kapag Pilipino, hindi maaaring sumuko sa hamon ng buhay at talagang gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya malagpasan lamang ito para sa kaniyang pamilya. Buti na lamang at may kaniya-kaniya din tayong pamamaraan kung paano natin mapapanatili ang pagiging positibo at matatag natin.

Hindi lamang ito dahil sa pagmamahal ng ating mga pamilya at kaibigan kundi sa mga bagay na iniisip at nakikita natin sa araw-araw. Tulad na lamang halimbawa ng napaka-cute na eksenang ito kung saan ang isang munting kuting at munting tuta ay tila ba nag-aaway!

Natural na sa ating mga Pilipino – lalo na iyong may mga alagang hayop – na mapansin ang madalas na pag-aaway ng mga alaga nating aso at pusa. Sa video na ito ay makikitang nag-aasaran ang dalawa.

Aakalain mo talagang nag-aaway sila ngunit ang bawat aksyon at bawat tunog naman ay tila ba parang magkapatid na nag-aasaran lamang. Talagang hindi nagpapatalo ang tuta at ang kuting sa isa’t-isa.

Marahil ay lumaki na rin kasi silang magkasama kung kaya naman ganoon na rin sila ka-komportable sa isa’t-isa. Nakakawala naman talaga ng pagod makakita ng ganitong klase ng mga eksena.

Ang pagmasdan at panuorin lamang sila ay tiyak na magdadala ng ngiti sa iyong mga labi. Isa rin marahil ito sa mga dahilan kung bakit marami na rin sa atin ang gustong mag-alaga ng mga hayop sa bahay.

Hindi lamang kasi sila nagsisilbing kaibigan at kasama sa bahay kundi nakapagbibigay din ng kagalakan sa ating lahat. Hindi man madali ang pagiging isang pet owner o fur parent ay palagi din naman nating sinisikap na maging responsable para sa kanilang kabutihan at kaligtasan.