Muling pagkikita ng matapat na aso at ng kaniyang amo matapos masunog ang kanilang tahahan, umantig sa puso ng publiko!

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pagiging matapat o loyal ng mga alaga nating hayop lalo na ng mga aso. Kamakailan lamang ay umantig sa publiko ang kwento na ito ng isang aso sa Korea.

Siya ay si Ddol na ayon sa ilang mga residenteng nakakilala sa kaniya ay mayroon talaga siyang amo noon na isang lalaki. Nangangalakal at nangongolekta ito ng mga bagay na maaari pang ibenta at pakinabangan.

Palagi rin daw nakasunod si Ddol sa kaniyang amo. Sa kasamaang-palad naman ay pumanaw ng maaga ang matanda at tinupok ng apoy ang kanilang tirahan.

Nagtamo rin ng pinsala si Ddol sa kaniyang binti dahilan upang mahirapan ito sa paglalakad. Samantala, ang kaniyang among lalaki naman ay isinugod sa ospital dahil sa natamong pinsala.

Naiwang mag-isa si Ddol sa lugar kung saan nasunog ang kanilang tahanan, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya umalis dito. Tila ba hinihintay niya ang muling pagdating ng amo niyang lalaki.

Dahil na rin sa tulong ng SBS team ay nagawa nilang maiparating sa kaniyang amo ang kalagayan ng kawawang aso. Hindi akalain ng amo na nasa mahirap na kalagayan pala ang kaniyang alaga habang siya ay nagpapagaling sa ospital.

Mayroon din namang tumulong kay Ddol upang mapagamot ang binti nito. Matapos nito ay nabigyan na rin sila sa wakas ng pagkakataon na magkitang muli.

Dahil walang natira sa kanila nang masunog ang kanilang bahay ay tinulungan na rin sila ng SBS team na makalikom ng sapat na halaga upang makapagtayo sila ng maayos na bahay. Mayroon na ring sariling tirahan si Ddol ay masaya na itong kasama ang kaniyang pinakamamahal na amo.

Talaga namang malaking bagay ang ginawang pagtulong sa kanila ng mga tao sa kanilang paligid. Magiging mahirap ito para sa kanila lalo na at wala rin naman silang kahit anong materyal na bagay.

Ngunit sa kabutihang-loob ng marami ay nagkaroon pa sila ng pag-asa at bagong inspirasyon sa buhay.