Isang anak ang nagsorpresa sa kaniyang masipag na inang OFW ng isang bonggang holiday tour sa 7 bansa sa Asya!

Isang anak ang nagsorpresa sa kaniyang masipag na inang OFW ng isang bonggang holiday tour sa 7 bansa sa Asya!

Halos lahat naman tayo ay talagang nangangarap na maiahon ang ating pamilya sa hirap. Maaaring hindi ito madali para sa iilan sa atin ngunit wala naman ding imposible sa taong mayroong pangarap at determinasyon sa buhay.

Ito marahil ang isa sa mga dahilan ng maraming mga Overseas Filipino Workers kung kaya naman sila ay nagdesisyong umalis ng bansa at makipagsapalaran malayo sa kanilang pamilya. Madalas ay nabibigyang-halaga din naman ang kanilang pagsasakripisyo ngunit kadalasan ay naaabuso ito ng kanilang mga kapamilya at kaanak.

Kamakailan lamang ay talagang kinagiliwan ng publiko ang pagsorpresa ng isang anak sa kaniyang masipag na ina. Siya ay si Hans Alcanzare at ang kaniyang ina naman ay si Nanay Teresita na 61 taong gulang na.

Naghanda lang naman si Hans ng isang napakabonggang sorpresa para sa kaniyang ina, isang bonggang holiday tour sa 7 bansa sa Asya! Matapos ang halos 20 taon ng pagtatrabaho ni Nanay Teresita bilang isang domestic helper sa Hong Kong ay nakauwi na rin siya wakas.

Dahil retirado na ang kaniyang ina ay sinigurado ni Hans na magiging masaya ito sa kaniyang inihandang regalo. Single mother si Nanay Teresita ngunit naitaguyod niya ang kaniyang pitong anak nang mag-isa.

Iniwanan niya ang kaniyag mga anak sa kanilang kamag-anak at saka siya nagsumikap magtrabaho sa ibang bansa. Mahirap man ang kaniyang pangingibang-bansa ay talagang naging determinado siya para sa magandang kinabukasan ng kaniyang mga anak.

Dahil sa nais ni Hans na pasalamatan ang kaniyang ina ay inihanda niya ang holiday tour sa 7 mga bansa sa Asya. Namasyal sila sa Singapore, Thailand, Indonesia, Vietnam, Taiwan, Malaysia, at Macau.

Talaga namang napakasarap para sa isang magulang ang magkaroon ng anak tulad ni Hans. Hindi ito nagalit o nagtanim ng sama ng loob sa kaniya dahil sa umalis ito upang magtrabaho sa ibang bansa bagkus ay naging inspirasyon niya ang paghihirap at ginawang sakripisyo ng kaniyang ina upang matupad din ang kaniyang pangarap na balang araw ay masuklian ang ginawa ng kaniyang magulang para sa kanilang pamilya.

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *