Laking gulat ng lalaking ito nang makita niya ang laman ng pintuan ng nabili niyang lumang sasakyan!

Noon pa man, naging praktikal na para sa marami sa atin ang pagbili ng mga secondhand na gamit. Lalo na kung wala rin naman talaga tayong kakayanang bumili ng brand new.

Halimbawa na lamang ay mga secondhand na gamit sa bahay, lote na mayroon nang unang nagmay-ari o di kaya naman ay isang sasakyan. Maging ang mga lumang damit sa ngayon ay talagang patok na patok na rin sa maraming mga Pilipino dahil tunay ngang magaganda pa rin naman ang mga ito ay mapapakinabangan pa sa murang halaga.

Kamakailan lamang ay mayroong isang lalaking nagbahagi ng kaniyang karanasan sa nabili niyang secondhand na sasakyan. Isang araw kasi ay hindi na niya magamit ng maayos ang pintuan ng sasakyan kung kaya naman naisipan niya itong tingnan at ayusin.

Nang inalis na niya ang plastic sa door panel ay napansin niya na lamang ang isang kulay itim na plastic bag na hindi naman talaga dapat naroroon. Batid niya ito dahil may kaunti rin naman siyang alam sa pagkukumpuni ng mga sasakyan.

Nang makita niya ito ay batid na niyang ito ang dahilan kung bakit hindi gumagana ang bintana ng kaniyang sasakyan. Noong una ay natakot at kinabahan siya dahil baka droga ang lamang ng bag na ito.

Ngunit nang nakaipon na siya ng lakas ng loob ay agad na niyang sinilip ang laman nito. Nagulat siya ng husto nang makitang dolyares pala ang lamang nito!
Natitiyak niyang may ilang daang libo din ang perang kaniyang natagpuan sa kaniyang sasakyan. Kung gaano na ito katagal sa loob ay hindi niya rin alam ngunit laking pasasalamat niya dahil magagamit niya ang malaking halaga na ito upang mapabuti pa ang kaniyang buhay ay makatulong din sa ibang tao.

Tunay nga na maraming mga nakakapagtakang bagay tayong natutuklasan sa araw-araw. Marapat lamang na maging responsable at disiplinado tayo sa mga panahong ito hindi lamang para sa ating sarili kundi para na rin sa kaligtasan ng ating pamilya.