Isang tuta at anak ng kabayo, tila best friends sa kanilang pagkakatulog dahil sa pagiging close ng mga ito!

Noon pa man ay madalas na tayong makakita ng mga nakakatuwang eksena ng mga hayop. Talaga namang napaka-cute ng mga ito sa tuwing magkakasama-sama sila, pareho man sila ng lahi o hindi.

Mapalad ang Pilipinas dahil hindi lamang tayo biniyayaan ng magagandang mga tanawin dito kundi maging sari-saring mga halaman at iba’t-ibang uri ng mga hayop. Kung kaya naman talagang binabalik-balikan tayo ng maraming mga dayuhang turista dahil mayroong mga hayop at mga halaman na dito lamang makikita o masisilayan sa ating bansa.

Talagang nakakaproud maging isang Pinoy, hindi ba? Kung kaya naman dapat natin itong pahalagahan at pakaingatan. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nakasaksi sa video na ito ng isang tuta at isang bagong silang na anak ng kabayo.

Kinagigiliwan ngayon ng publiko ang napaka-cute na tutang ito na si Molly at ang kaibigan niyang kabayo na kapapanganak pa lamang ng ilang oras. Si Molly ay isang Australian dog, kilala ang ganitong mga breed ng hayop na talagang malalakas at matitibay dahil sa mga gawain na kayang gawin nito kalaunan ngunit maaari din pala silang maging malambing.

Habang nangyayari daw ang cute na eksenang ito sa video ay naroroon din sa kanilang tabi ang nanay ng bagong silang na kabayo na nakilala naman bilang si Sugar na tila walang pakialam sa pagiging close ng tuta at ng kaniyang anak. Tunay nga na kahit marami tayong kinakaharap na problema sa araw-araw, sabayan pa ng walang humpay na pagtaas ng mga bilihin at giyera sa iba’t-ibang bansa, marami pa ring mga bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos.

Halimbawa na lamang ang mga ganitong klase ng video na talaga namang nakakatanggal ng stress at nakakatuwang panuorin. Hindi na nakapagtataka na mas marami pang mga netizens ang naeengganyo na manuod ng mga nakakatuwang videos ng mga hayop mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.