Isang tandang kinilala bilang world’s longest-crowing chicken na kayang tumilaok ng 60 seconds!

Isa ka rin ba sa maraming mga Pilipino na mahirap gumising sa umaga? Napakasarap naman kasing matulog at mamahinga lalo na kung pagod na pagod ka sa trabaho o naging sobrang abala ka ng buong araw.


Marami nga ang talagang nasasabik na magkaroon ng leave o day-off sa kanilang mga trabaho. Sa mga panahon na ito ay maaari tayong mamahinga ng mas matagal o di kaya naman ay magising ng tanghali na.

Minsan na rin ba kayong nagtaka kung gaano katagal ang pagtilaok ng mga manok? Noong unang panahon kasi wala pang mga alarm clocks at gadgets na nagagamit ang ating mga ninuno natin upang masiguro ang pag gising natin ng maaga.


Marami kasi noon ang talagang nagigising ng maaga upang magtrabaho. Mga tandang ang maaasahan natin dito dahil hinding-hindi nawawala ang pagtilaok ng mga tandang sa pagsisimula ng ating mga araw.

Kung maraming mga tandang na ilang segundo lamang tumitilaok, mayroon din namang iilan na nagagawang tumilaok ng mas matagal, halimbawa na lamang ay 60 seconds. Ang mga uri na ito ng tandang ay bibihira lamang, hindi marami ang kanilang lahi.

At kaya nilang tumilaok ng maiksi sa loob ng 30 seconds. Ang isang Japanese breed na Tomaru ay isa lamang sa mga uri ng tandang na ito.

Nagkakahalaga daw ito ng $2,000 o mahigit 104,000 pesos! Hindi ito katulad ng ibang mga tandang na ginagamit sa sabong na madalas ay agresibo.


Ang mga ganitong uri ng tandang ay mabait at palakaibigan. Sikat na sikat sa Japan at Turkey ang mga “crowing competition”.

Kung kaya naman talagang inaabangan ang mga ganitong event. Tunay ngang maraming nakakamanghang bagay sa panahon natin ngayon.

Hindi lamang mga magagarang gadgets o magagandang mga tanawin ang maaari nating matuklasan sa araw-araw. Sinong mag-aakala na mayroon pa lang mga ganitong klase ng kompetisyon sa iba’t-ibang panig ng mundo?