Isang salesman, gumawa ng eksena at nagwala matapos hindi pumayag sa deal ang kaniyang kliyente!

Sa araw-araw na biniyaya sa atin ng Diyos, talagang napakarami na nating naranasang paghihirap at pagsubok. Talaga namang bawat isa sa atin ay mayroong kaniya-kaniyang paraan kung paano mapagtatagumpayan ang mga ganitong hamon ng buhay.

Isa na marahil sa pinakamahirap na kalagayan natin sa ngayon ay kung paano tayo makakapamuhay ng maayos. Lalo na kung tayo ay mayroon nang sarili nating pamilya.

Hindi naman din kasi tama na mayroon na tayong pamilya ay umaasa pa tayo sa ating mga magulang o kaanak. Marahil ito ang isa sa mga naging rason kung bakit hindi na napigilan pa ng isang salesman ang kaniyang sarili at nagkaroon siya ng “public meltdown” sa isang isang pampublikong lugar.

Ayon sa ilang mga ulat, mayroon kasi siyang quota sa trabaho at upang maka-quota siya ay kailangan niya ng mas maraming kliyente. Hindi na pinangalanan pa ang naturang lalaki ngunit siya pala ay uminom kasama ng kaniyang kliyente nang kinagabihan.

Sa kasamaang-palad ay hindi pumayag ang kliyente niyang ito sa kanilang deal kung kaya naman nasayang lamang ang kaniyang oras at panahon. Hindi rin daw umuwi sa kanilang bahay ang salesman at doon na lamang nakatulog sa isang pampublikong lugar.

Lasing na lasing pa ito nang makita ng mga otoridad at talagang nagwawala pa dahil pakiramdam niya ay hindi niya nagawa ang kailangan niyang gawin para sana sa kaniyang pamilya. Nakagawa ng paraan ang kapulisan upang ma-kontak ang kaniyang asawa na agad namang nagtungo sa kinaroroonan ng kaniyang mister.

Nang makita ng salesman ang kaniyang asawa ay walang tigil ito sa paghingi ng kapatawaran sa kaniya. Hindi na napigilan pa ng misis na maiyak din sa kalagayan ng kaniyang asawa dahil hindi niya lubos maisip na ganito na pala ang kaniyang pinagdaraanan.

Ang nakakaantig na pagtatagpo na ito ay agad namang kumalat sa social media, dahilan upang magsilbi itong inspirasyon sa mga mag-asawa at magkarelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *