Isang pusa na basta na lamang iniwanan ng kaniyang mga amo, muling nakatagpo ng pamilya dahil sa taong ito!

Nitong nakaraang buwan lamang, habang namimili ng groceries si Annie Rahe ay mayroon siyang napansin na kakaiba. Habang itinutulak niya kasi ang kaniyang push cart ay nakita niya ang kaawa-awang pusa na mag-isa na tila ba nanghihingi ng kaniyang tulong.

Ang munting kuting ay nakita niya sa pagitan ng mga paleta.

“He told me that the kitten had been dumped in the Walmart parking lot and had snuck into the store to hide under the pallets. I don’t know exactly how long it was there, but the worker told me other people tried to get it out.” Kwento ni Rahe.

Nang makita niya ang kawawang kuting ay agad niyang iniwanan ang kaniyang cart at saka siya bumili ng pagkain nito sa di kalayuan. Sobrang dumi daw ng pusa at talagang nahabag ito sa kaniyang kalagayan.

“It was so small and so dirty, the story of the cat touched my heart. I wanted to leave with this cat.” Dagdag pa ni Rahe.

Hindi rin nagtagal at nagbalik na siya sa lugar kung nasaan ang pusa. Naglagay siya ng food box sa sahig at tumatakbo namang lumapit ang pusa.

Nang nakakita ng pagkakataon si Rahe ay kaagad niyang kinuha ang pusa upang maiuwi sa kanilang bahay. Nang makauwi na sa kanilang tahanan ay pinangalan niyang Wally ang pusa.

Pinaliguan niya ito at binigyan ng makakain. Nakatulog din naman si Wally pagkatapos. Sa wakas ay makakatulog na rin ito nang may laman ang kaniyang sikmura.

Bagamat maliit at kulang sa timbang si Wally ay malusog naman daw ito. sa oras na makumpleto na niya ang kaniyang mga bakuna ay unti-unti na nilang ipakikilala si Wally sa kaniyang mga magiging kapatid na pusa.

Buti na lamang at nakita siya ni Rahe at inuwi sa kanilang bahay. Sa ngayon ay ligtas na siya at mayroon na siyang bagong pamilya.