Isang mag-asawa ang mapalad na nakabili ng lote sa halagang 100 pesos per sqm lamang! Dito nila naipatayo ang kanilang 1 million retirement farmhouse!

Ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa na yata ang isa sa talagang pinapangarap ng maraming mga Pilipino. Lalo na kung mayroon na tayong sarili nating pamilya, tiyak na mas magpupursige tayo na bumukod at magpundar ng sariling atin.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang ina mula sa Nueva Ecija ang napakaganda nilang farmhouse. Inspirasyon nilang mag-asawa ang kanilang mga anak kung kaya naman nagdesisyon silang magpundar at magpagawa ng napakagandang farmhouse na ito.

Sa naging exclusive interview ng Only Good Content (OG) sa YouTube ay talagang namangha ang maraming mga netizens sa napakalawaka na lugar na ito na nabili lamang nila sa halagang 100 pesos per sqm. Pangarap talaga ng nanay na si Rose Joy Montejo na maranasan din ng kaniyang mga anak ang buhay probinsiya.

Ang buhay kung saan maaaring tumakbo ng tumakbo ang kaniyang mga anak sa malawak nilang bakuran at maglaro sa kanilang sariling playground. Nais niya ring mag-alaga ng ilang mga hayop at magtanim ng maraming mga halaman.

Masayang masaya si Rose at ang kaniyang asawa dahil tiyak na makakaiwas sa paggamit ng gadgets ang kaniyang mga anak habang lumalaki ang mga ito. Ang kanilang 2 storey farmhouse ay pinangalanan nilang Villa Montejo farmhouse na mayroong 180 sqm.

80 sqm sa baba at 100 sqm naman sa taas. Mayroon din itong half court kung saan nagba-bonding ang kaniyang asawa at dalawang anak na lalaki.
Halos 80 porsiyento ng kanilang farmhouse ay gawa sa kahoy. Gawa naman sa Mahogany wood ang kanilang sala set.

Napakaganda at napakaaliwalas naman ng kanilang dining area. Mayroon din silang dalawang silid at outdoor mini kitchen sa kanilang farmhouse.

Sa ngayon ay ipinapagawa na nila ang kanilang swimming pool at mini playground. Marami din ang natuwa sa kanilang coffee area/balcony na isa sa pinakapaborito nilang parte ng kanilang bahay.

Pagbabahagi din ni Rose, noon pa man ay pangarap na talaga niyang magkaroon ng ganitong farmhouse sa edad na 40 kung kaya naman maliban sa pagtitiyaga ay ipinagdasal din nila ito.