Isang mag-ama na hirap sa buhay, namataang nagtitinda ng bolpen sa lansangan para lamang may pambili ng makakain!

Napakaraming mga tao ang hirap at hikahos din sa buhay kung kaya naman nararapat lamang na maging mapagpasalamat tayo sa maraming mga bagay na mayroon tayo, maliit man ito o malaki. Maaalalang taong 2015 nang kumalat sa social media ang larawan ng mag-amang nagtitinda ng bolpen sa lansangan.

Ang masipag na ama ay nakilala bilang si Abdul Halim al-Attar, isang Syrian refugee mula sa Lebanon. Hindi inaasahan ng mag-ama na dahil lamang sa isang kuhang larawan nila nang mga panahong iyon ay magbabago ang kanilang buhay.

Talagang umantig kasi sa maraming mga netizens sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nakapanlulumo nilang larawan. Kung kaya naman nagkaroon ng isang campaign para sa kanila kung saan nakalikom ito ng $191,000 o mahigit 9.8 milyong piso!

Dahil sa mahigpit na patakaran sa Lebanon ay nakuha lamang niya ang 40% ng naturang pera. Ang iba naman ay kinuha ng isang kaibigan sa Dubai.

Naging malaking tulong na rin sa mag-ama ang perang ito gayundin sa iba pang mga Syrian refugee. Ayon sa ilang mga ulat, nabigyan ng pagkakataon si Abdul Halim al-Attar na makapagtayo ng isang panaderya, isang kebab shop, at isang kainan o restawran sa Beirut.


Nakapag-abot din siya ng tulong sa iba nilang mga kaibigan at kamag-anak sa Syria at nakapagbukas ng trabaho para sa 16 pang mga Syrian refugees. Kung noon ay isa lamang ang kwartong mayroon sila sa kanilang apartment, ngayon ay mayroon nang dalawang kwarto ang kanilang tirahan kung saan kasama niya ang kaniyang dalawang mga anak.

Ang kaniyang anak ay ang apat na taong gulang na si Reem at siyam na taong gulang na si Abdullelah. Tunay nga na napakalaking tulong talaga ang magagawa ng mga taong nagkakaisa.

Lalo na kung magkakaisa ang mga ito upang matulungan din ang kanilang kapwa tao. Naging napakalaking pagbabago nito sa buhay ng mag-aama na labis naman nilang pinagpapasalamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *