Isang loyal na aso ang naghihintay pa rin sa kaniyang amo sa Pier kahit na isang buwan itong namayapa!

Noon pa man, batid na ng nakararami sa atin na tapat talaga ang mga aso sa kanilang mga amo. Hindi matatawaran ang katapatan ng mga hayop na ito sa tao o sa pamilyang kumupkop ang nagmahal sa kanila.

Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na palagi ang pagprotekta nila sa atin mula sa tiyak na kapahamakan. Sa ganoong paraan nila naipapakita ang kanilang katapatan at pagmamahal sa atin.

Tulad na lamang din halimbawa ng isang aso na ito na umantig sa puso ng publiko kamakailan lamang. Namataan kasi siya na naghihintay pa rin sa pagbabalik ng kaniyang amo.

Ibinahagi ng netizen na si Thanawan Thongporn ang kwento ng asong ito. Dahil sa palagi raw naroroon sa Pier ang aso, nakaharap sa karagatan ay nagkaroon na rin ng maraming mga residente doon na nagbibigay ng makakain sa kawawang aso

Talagang naantig ang puso ng marami sa sitwasyon ng asong ito. Hindi naman din lahat ng katulad niya ay nakakaranas nito.

Nang maibahagi nila ang larawan ng aso online ay nagkaroon din naman ng ilang mga taong nagparating ng pagnanais nilang maampon ang aso. Sa ngayon ay nakatagpo na siyang muli ng taong magmamahal at kakalinga sa kaniya.

Sugar ang ibinigay sa kaniyang pangalan. Sinong mag-aakala na makakatagpo kaagad ng bagong pamilya ang aso na ito?

Sadyang napakapalad niya dahil sa wakas ay mayroon na siyang kasamang pamilya sa kaniyang buhay. Mayroon nang magmamahal sa kaniya gaya ng naging pagmamahal sa kaniya noon ng kaniyang mga amo.

Marami pa rin sa atin hanggang ngayon ang naghahanap ng mga hayop na ating maaalagaan at makakasama nang matagal na panahon. Hindi upang ituring lamang sila bilang mga alagang hayop kundi parte na rin ng kanilang pamilya.

Kung kaya naman dalangin din ng marami na huwag nang madagdagan pa ang mga taong nananakit, nang-aabuso, at nag-aabandona ng mga kawawang hayop na ito.