Isang lalaki ang tumitingin noon sa Google Earth nang bigla na lamang niyang nakita ang namayapang lalaki na naghihintay sa kaniyang asawa sa labas ng kanilang tahanan!

Sa panahon natin ngayon, tila hindi na natin kaya pa ang mawalan ng internet. Araw-araw ay talagang madalas tayong nanunuod at nakikibalita sa pamamagitan ng internet at social media.

Marami din naman itong magandang naidudulot sa atin lalo na pagdating sa ating pag-aaral, pagtatrabaho, at maging sa pagnenegosyo. Nang magkaroon ng pandemya ay marami din ang talagang natulungan nito upang makapagpatuloy sa pag-aaral at pagtatrabaho.

Kahit papaano ay nakakausap din natin ang mga mahal sa buhay nating nasa ibayong-dagat. Marami din tayong nadidiskubreng bagay gamit ang internet.

Madalas kapag mayroon din tayong gustong malaman kaagad patungkol sa isang bagay ay dito na rin tayo kaagad tumatakbo. Kamakailan lamang ay muli na namang nagbalik sa isipan ng publiko ang karanasan ng isang lalaking ito nang minsan siyang nagba-browse online.

Nakita niya kasi sa Google Earth mismo ang namayapa niyang ama na pasensyosong naghihintay sa pag-uwi ng kaniyang ina. Sa street view niya nakita ang pamilyar na mukha na ito ng kaniyang ama at talaga namang hindi niya na napogilan pang maging emosyonal habang nakikita niyang muli ang pinakamamahal niyang ama na animo’y buhay na buhay pa!


Bagamat “blurred” ang mukha ng matandang ito ay agad naman niyang nakilala ang kaniyang ama na pitong taon na palang sumakabilang-buhay. Ito pala ang araw-araw na ginagawa ng kaniyang ama sa tuwing uuwi ang kaniyang ina.

Maraming mga netizens ang talagang namangha at bumilib sa pangyayaring ito dahil kahit nga matagal nang wala ang mga mahal natin sa buhay ay maaari pa rin pala natin silang masilayan na para bang sila ay naririto pa rin at kasama pa rin natin. Mayroon ding iilang mga netizens ang nagsabing sana ay hindi tanggalin ng Google Earth ang mga larawang tulad nito na nakapagpapaalala ng magagandang alaala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sa tuwing mangungulila tayo sa kanila ay maaari pa rin nating balikan ang mga buhay nilang larawan dito.