Isang beterinaryo ang nagligtas sa elepanteng ito na nasa bingit ng kamatayan sa pamamagitan ng pagtalon sa kaniyang dibdib!

Hindi na rin mabilang ang mga sitwasyon kung saan kailangang iligtas ng mga rescuers ang mga hayop na kanilang natatagpuan na nasa isang mahirap na sitwasyon. Tulad na lamang halimbawa ng isang nanay na elepanteng ito na nailigtas ng isang beterinaryo sa tiyak na kapahamakan sa pamamagitan ng paggawa ng CPR dito.

Nagbabantay pa ang anak ng elepante na ito sa kaniyang tabi at halatang labis na nag-aalala. Sampung taong gulang na ang elepante habang ang kaniyang anak naman ay isang buwan pa lamang.

Nahulog silang dalawa sa isang “concrete drain” sa Thailand sa gitna ng malakas na ulan. Nasa pitong talampakan rin ang lalim nito kung kaya naman talagang nahirapan din silang makaahon.

Kinailangan pang gumamit ng mga rescuers ng cherry picker pa lamang sila ay maiangat. Ngunit hindi inaasahang ng lahat na tatama sa bato ang ulo ng nanay na elepante dahilan upang mawalan ito ng malay.

Kitang-kita sa kuhang video ang halos tatlong oras na pagsasalba sa mag-ina gayun din naman ang nangyaring insidente na hindi nila inaasahan.

“It was impossible to get near the baby while the mother was nearby, so we gave her three doses of tranquilizers, but she moved towards her baby before passing out and hit her head,” Pahayag ng doktor ng national park na si Dr. Chananya Kanchanasarak.

Buti na lamang at hindi nagdalawang-isip ang doktor na gawan ng CPR ang nanay na elepante. Dahil sa sobrang laki nito ay hindi ito kaya ng kamay kung kaya naman tumalon na lamang ng tumalon ang doktor sa bandang dibdib nito.

Sa kalagitnaan ng pagsasalba ng beterinaryo sa elepante ay nagpaalala naman ang ilang opisyal ng parke na maaaring humiyaw ng tulong ang inang elepante sa kanilang grupo kapag nagising ito dahil maaaring isipin nitong kukuhanin mula sa kaniya ang kaniyang anak ng mga taong naroroon. Hindi rin naman nagtagal at nailigtas na rin ng tuluyan ang mag-inang elepante, salamat sa mga taong hindi napagod at hindi sumuko na mailigtas sila.