Isang batang lalaki na nagtatrabaho bilang isang magsasaka para sa kaniyang pamilya, nakatanggap ng maraming tulong at ngayon ay mayroon nang sariling bahay, sasakyan, at sakahang lupa!

Marahil ay pamilyar pa rin sa atin ang batang nakilala natin sa tawag na “Araro Boy”. Minsan na natin siyang napanuod sa magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Sojo”.

Siya ay walang iba kundi si Reymark Mariano. Ang batang ito ay nakatira sa kaniyang mga lolo at lola. Kailangan niyang mag-araro araw-araw kasama ang kaniyang kabayo na si Rabanos para lamang mayroon silang makain.

Talagang napakahirap ng kaniyang naging karanasan. Dahil sa naging karanasan niyang ito ay talagang inulan siya ng biyaya at tulong sa maraming mga netizens at mga pribadong tao.

Sinong mag-aakala na ngayon ay mayroon na siyang sariling bahay, sasakyan, at sakahang lupa! Makalipas din ang mahigit pitong buwan ay ibinahagi nito ang magandang balita na nakakapag-aral na siyang muli sa tulong din ng mga taong nagpaabot ng donasyon para sa kaniya.

“Marunong na po ako nang kaunti ng English, magbasa. Every month po may nagpapadala po sa akin ng mga kailangan po sa pag-aaral po,” Pahayag ni Reymark sa naging interview sa kaniya ng KMJS.

Sa ngayon ay nakabili na rin siya ng isang van at pickup truck para sa kanilang kabuhayan. Hindi tulad dati ay nakapagsasaka na rin sila sa sarili nilang sakahan.

Nabibili na rin daw niya ang mga bagay na noon ay hinding-hindi niya kayang bilhin dahil sa wala silang pera. Labis labis ang pasasalamat niya hindi lamang sa mga taong tumulong sa kaniya kundi maging sa programang KMJS.

“Nagpapasalamat po ako kay Ma’am Jessica kundi dahil sa kanya hindi po ako nakaunlad sa hirap. Sa ating mga OFW diyan, salamat po sa nagpadala sa akin ng pera. Promise, pagbubutihin ko po ang aking pag-aaral po,” dagdag pa ni Reymark.

Tunay ngang hanggang may buhay ay may pag-asa. Huwag din nating kalilimutan na nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa.

Kung kaya naman bawat sakripisyo at pagpapagal natin sa ngayon ay mapapalitan din ng kaginhawan sa hinaharap.