Isang aso na nagnakaw ng pagkain sa isang tindahan, tila tuwang tuwa pa dahil sa nakuha niyang pagkain!

Maraming mga netizens ang talagang natuwa sa reaksyon ng asong ito na tila ba masayang-masaya at tuwang-tuwa pa dahil sa ginawa niyang pagnanakaw ng makakain sa isang lugar. Mukha itong bahay ngunit mukha rin naman itong tindahan.

Kitang-kita sa sikat na sikat nang video na ito ang isang aso na mayroong kulay na itim at puti sa kaniyang balat habang pumapasok ito sa isang lugar kung saan siay makakakita ng makakain. Pasilip-silip pa ito kunwari hanggang sa makakita ito ng tila ba isang malaking fish cracker sa isang lalagyan.

Tuwang-tuwa ang naturang aso nang makita ang pagkain. Nagulat ang publiko dahil sa sobrang saya nito nang mamataan ang pagkain.

Dahan-dahan pa niyang kinuha ang isang malaking tipak nito hanggang sa nagtagumpay siya at dali-dali nang tumakas. Bagamat hindi natin nais matuwa dahil sa pang-uumit na ginawa ng aso, maraming mga netizens ang talagang natuwa dahil hindi naman lahat ng hayop ay nagagalak sa pagkakataon na nakahanap sila ng makakain para sa kanilang sarili o di kaya naman ay para sa kanilang pamilya.

Nakuhanan pang muli ng video ang aso sa labas kung saan makikita ang pambihirang ginawa niya nang tuluyan na niyang napansin na hinding-hindi na siya mahuhuli pa. Kunwari niyang ibinababa ang kaniyang nakuhang pagkain, tinitigan, inamoy-amoy at tinahulan pa!

Ito marahil ang ginagawa niya upang mailabas ang kaniyang galak o sayang nararamdaman sa kaniyang tagumpay. Hindi rin nagtagal at kinagat niyang muli ang pagkain, tinangay at agad na tumakbo papalayo.

Talaga namang napakaraming mga bagay ang maaaring maging dahilan upang sumaya tayo sa buhay o di kaya naman ay talagang magalak nang husto tulad nang karanasan ng asong ito. Iyan ay mararanasan natin kung magagawa rin nating makuntento sa mga bagay na mayroon tayo.

Kahit simple lamang, basta’t hindi natin nakakaligtaan kung bakit tayo naging mapalad at nasa sa atin ang bagay na iyon.