Isang ama na gumamit ng tali sa kaniyang “quintuplets” habang sila ay naglalakad, umani ito ng sari-saring komento mula sa publiko!

Ang paggamit nating mga magulang ng mga “leash straps” para sa ating mga anak ay maraming mga mabubuti at masasamang maidudulot. Hindi lamang ito ginagamit sa mga hayop dahil maging ang mga batang nasa larawan ay nakaranas na rin nito.

Maraming mga “concerned citizen” na nagsabing hindi ito tama at masasaktan lamang ang mga bata. Ngunit marami din namang gumagamit nito ang nagsabing ginagamit nila ito upang masiguradong hindi mawawala ang kanilang mga anak.

Isa na marahil sa mga taong ito ay si Jordan. Siya ang 31 taong gulang na ama ng “quintuplets”. Ayon sa kaniya, ang paggamit daw niya ng mga straps na ito ay mas mainam kaysa paggamit ng mga strollers lalo na sa mga pampublikong lugar.

Para sa kaniya, palagi raw nagtataka o curious ang mga bata sa kanilang paligid kung kaya naman mas magagawa nilang tumakbo at tumuklas ng maraming bagay kung naka-strap lamang sila at hindi nakasakay sa stroller.

“Kids are very curious – they want to run and explore,” Pahayag ni Jordan.

Sa panahon natin ngayon, marami na talagang mga magulang ang gumagawa nito. Ngunit hindi rin naman natin maipagkakaila na marami ding tutol dito dahil sa mga hindi magandang epekto nito ayon sa kanila.

Para kasi sa iilan, hindi raw ito wasto at nagmumukhang hayop ang mga bata kung nakatali ng ganito. Marapat lamang daw na hayaan silang gumalaw at hayaan silang tumuklas ng maraming mga bagay sa abot ng kanilang makakaya nang tayo ay nakaantabay lamang.

Ayon naman sa isang survey, 99.9% daw ng mga magulang ay alam kung ano ang mas makabubuti sa kanilang mga anak. Samantala, ayon naman kay Dr. Deborak Gilboa, isang “parenting and youth development expert”, kailangang suriin muna natin ang pinagmumulan o ang problema ng isang bagay bago tayo magalit o magkomento ng hindi magagandang salita.

Sang-ayon din naman siya kay Jordan na ang paggamit ng mga leash straps na ito ay makatutulong upang hindi mawala ang mga anak lalo na kung nasa labas sila ng kanilang tahanan kasama ang kanilang pamilya.