Asong inabandona dahil sa kakaiba niyang mukha at hitsura, nakahanap ng bagong fur parent na ang tingin sa kaniya ay “perfect”!

Siya si Beaux Tox, isang Labrador retriever na isinilang na mayroong “facial deformity”. Noon pa man ay talagang marami na ang may ayaw sa kaniya dahil sa hitsura ng kaniyang mukha.

Marami ang lumalayo at umaayaw sa kaniya. Buti na lamang at nagtagpo ang landas nila ni Jamie Hulit. Ayon sa ilang mga ulat, nagkaroon ng ganitong kapansanan si Beaux nang mapipi o maipit sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina noong ipinagbubuntis pa lamang silang anim na mga tuta.

“He just kind of got pushed out of the way, and formed how he formed.” Pahayag ni Jamie.

Talaga namang kahit isang hayop si Beaux ay marami na rin siyang naranasan na panghuhusga at pangungutya mula sa ibang tao. Ayon din kay Jamie, hindi na siya maibenta pa ng mga breeder dahil nga sa kaniyang hitsura.

Libre na lamang siyang ipinamigay sa kung sino. Ang dati niyang amo ay talagang inabuso siya at inabandona sa labas ng halos limang taon!

Bagamat inabandona siya ng kaniyang amo sa labas mismo ng kanilang tahanan ay walang magawa ang mga rescuers upang makuha siya ng mga panahong iyon. Kung kaya naman talagang malungkot at napakapayat niya noon.


Nang magtagpo naman sila ni Jamie ay dito na nga nagbago ang takbo ng lahat. Ayon kay Jamie ay wala raw siyang pakialam kahit ano pa ang sakit o kapansanan ni Beaux dahil ang gusto lamang niya ay hindi na nito muling maranasan pa ang manatili sa shelter.

“I wanted him to have stability and a place he knew was his home. That is why I adopted him outright from the owner. Beaux Tox had already bounced around and I just wanted him to be a dog.” Pahayag ni Jamie.

Sa panahon natin ngayon ay mayroon pa rin palang mga tao ang handang tumulong sa mga asong tulad ni Beaux. Sana ay mas marami pa ang makapulot ng inspirasyon sa kwento nilang ito.