Maituturing ngang isa sa pinakakontrobersiyal na aktor ngayon ang aktor na si Gerald Anderson dahil na rin sa samu’t-saring mga intriga at kontrobersiyabg ibinabato sa kaniya sa mga nagdaang linggo. Hindi nakaligtas sa mata ng publiko ang isyung kaniyang kinasasadlakan ngayon kabilang ang dati niyang nobya na si Bea Alonzo at ang diumano ay bago niyang nililigawan ngayon na si Julia Barretto.

Matapos nga ito ay talaga namang pinag-usapan ang larawan nila ng Kapuso actress na si Sanya Lopez nang sila ay mamataan sa isang event. Sila ay dumalo sa Skechers Performance Run 2019 kasama ang iba pang mga kilalang personalidad. Ito ay naganap nito lamang nakaraang Linggo, Agosto 11 nang sila ay kasamang dumalo sa “Walkathon event” dahil sa isa rin sila sa mga ambassadors ng Skechers PH.

Umani ng napakaraming komento mula sa mga netizens ang larawan na ito nina Gerald at Sanya. Marami ang nabahala para sa aktres dahil baka mamaya ay siya naman ang ligawan ng aktor, ayon na rin sa ilang komento ng mga netizen.

Mayroon pa ngang ibang mga netizen na nagsama sa pangalan ng kuya ni Sanya na si Jak Roberto dahil tiyak na masasapak diumano nito ang Kapamilya actor kapag pinormahan nito ang kaniyang kapatid.

Isa si Sanya Lopez sa mga hinahangaang aktres ngayon sa Kapuso network. Talaga nga namang hinahangaan siya sa kaniyang natatanging pagganap bilang si Mariel Fajardo-Corpuz sa programang “Dahil Sa Pag-Ibig” kasama pa sina Benjamin Alves bilang Eldon Corpuz, Wynwyn Marquez bilang Portia Reyes at Pancho Magno bilang Gary Sandoval.
Hindi maipagkakaila na isa si Sanya sa pinakamagandang babae sa industriya ng show business ngayon. Kung kaya naman hindi rin nakapagtataka na marami ang mabighani sa kaniyang angking kagandahan at talento. Ngunit marami din naman ang mga netizen na nagsasabing hindi naman ibig sabihin na mayroon silang larawan na magkasama ay matutulad na rin si Sanya Lopez kina Julia Barretto a Bea Alonzo.

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Julia Barretto, Gerald Anderson, at Bea Alonzo. Ito ay patungkol diumano sa ginawang pagtataksil at pangloloko ng aktor sa aktres na si Bea at pagkakasangkot diumano ng nakakabatang si Julia sa hiwalayang Bea at Gerald.