Marahil ay marami pa ang nakakaalala sa sikat na mga linyang “4:30 na! Ang TV na!” Isa ito sa mga pamosong linya na sumikat noong dekada 90 mula sa youth oriented comedy variety show na ipinalabas noon sa ABS-CBN network.

Tunay nga na maraming mga Pilipino ang napamahal sa programa na ito. Tuwang-tuwa ang marami lalo na sa tuwinh nagbibitiw ng makukulit na mga linya ang mga batang bida ng programa.

At isa na nga sa mga pinakatumatak sa puso ng mga manunuod ng naturang programa ay si Lindsay Custodio. Madalas siyang mapanuod noon na kumakanta kasama ang ilan pang mga talentadong mang-aawit tulad na lamang nina Jolina Magdangal at Roselle Nava.

Dahil sa nakabibighaning boses ni Lindsay ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging isang recording artist ng ABS-CBN. Ilan sa mga naging album niya noon ay ang “My First”, na sinundan ng “Lindsay: New Horizons” at ang “Sa Araw ng Pasko”.


Lubos siyang hinangaan ng publiko dahil sa mga kantang “Malay Mo” at “Tuksuhan”. Ngunit higit sa kaniyang kahusayan sa pag-awit ay hinangaan din siya sa kaniyang pagiging isang mahusay na aktres. Taong 2000 nang lisanin niya ang mundo ng show business at magpakasal sa kaniyang mister na si Julius Caesar Platon II. Isang kilalang servant ang kaniyang mister at biniyayaan sila ng dalawang mga anak: sina Sean at Charisse. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay pumanaw ang kaniyang mister sa edad na 43 taong gulang dahil sa atake sa puso.

Labis na nagpapasalamat si Lindsay sa kaniyang mister dahil sa naging instrumento ito upang makatulong din siya sa kaniyang kapwa. Talaga namang ininda niya ng husto ang pagkawala ng kaniyang mister ngunit sa kabila nito ay labis pa rin siyang nagpapasalamat dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na maging isang mabuting ina at asawa sa kaniyang pamilya. Hindi niya pinagsisisihan ang naging desisyon niyang iwanan ang mundo ng show business.