Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang salitang “domestic helper”, “DH”, o “OFW”. Noon pa man ay marami na kasi sa ating mga kamag-anak o kakilala ang nangingibang-bansa upang doon ay makahanap ng trabaho, kumita, at makatulong sa kanilang mga pamilya.
Mayroon sa kanila ang nagiging mapalad sa kanilang mga nagiging amo habang ang iba naman ay napupunta sa mga among mapang-abuso at mapanakit. Kamakailan lamang isang Malaysian na babae na nagngangalang Grace ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa isa sa kanilang mga helper sa loob ng tatlong taon.
“Can’t believe our helper has spent 3 birthdays with us. To the public, she’s just a helper, but to us, she’s like family. I know for a fact that our lives wouldn’t be so easy without her. She knows where everything is placed, and she knows our kids more than my husband and I.”Pahayag niya.
Sa kaniyang post,inamin niyang noong bata pa ang kaniyang mga anak ay talagang inaaway ng mga ito ang kanilang kasambahay. Magmula noon ay sinabi niya sa kaniyang mga anak na maging mabait sa kanilang kasambahay dahil mayroon din silang mga pamilyang sinusuportahan sa kanilang bansa.
Dahil sa kailangan nila ng pera ay nakipagsapalaran sila upang maging kasambahay sa dayuhang bansa. Nang maintindihan ng kaniyang mga anak ang mahirap na kalagayan ng mga kasambahay ay dito na nila nirespeto at ginalang ang kanilang kasambahay.
Mayroon din daw isang beses nang kumain sila sa labas ay napansin niyang may isang pamilyang may kasamang kasambahay nila. Nagulat siya dahil hindi man lamang nila ito pinakain bagkus ay hinayaan nilang maghintay ito sa ilalim ng isang puno na malapit sa kanilang pwesto.
Maya-maya pa ay binilhan ng amo niyang lalaki ang kasambahay ng makakain ngunit nang makita ito ng kaniyang asawa ay sinigawan pa siya nito. Nanlumo siya sa nasaksihan niyang ito ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi siya magiging katulad ng babaeng iyon.