Noon pa man ay marami na sa atin ang nakakaalam na ang mga aso ay likas na magagaling lumangoy. Maliban dito ay marami din silang mga talento na talagang ipinapamalas nila sa publiko.
Hindi na nakapagtataka na marami na rin sa ngayon ang mga nakikilalang hayop na may mga natatanging talent dahil sa laganap na rin ang social media sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngunit kakaiba ang asong ito mula sa Japan dahil sa pambihirang kakayahan nitong mag-dive!
Sino ba naman sa atin ang ayaw matutong mag-dive hindi ba? Hindi lamang ito nakakalibang gawin dahil sa magagandang bagay na maaari nating masilayan sa tuwing tayo ay sisisid ngunit ito ay isa rin talagang skill.
Marami ngayon ang humahanga sa asong ito dahil sa talagang nakakamangha ang kaniyang diving skills. Ang naturang aso ay nakilala bilang si Jill na hilig na talaga ang pagsisid noon pa man.
Kung kaya naman naging madali na lamang para sa kaniyang amo na suportahan ang hilig ng kaniyang alaga. Hindi ito takot sa tubig tulad ng ibang mga hayop.
Ang kaniyang owner mismo ang nagbahagi ng kaniyang videos online na humakot ng maraming likes at reactions online. Sa naturang video ay makikita si Jill na kumukuha ng isang brick o isang bato sa ilalim ng dagat.
Walang kahirap-hirap nitong nakuha ang bato sa ilalim ng tubig gamit ang kaniyang bibig. Mayroon ding sariling Instagram page si Jill kung saan makikita ng marami ang kaniyang mga videos.
Dito ay tampok ang mga videos niya habang siya ay nagda-dive. Tunay nga na hindi lamang tao ang nagiging mahusay kung nakakatanggap sila ng papuri at suporta mula sa mga tao sa kanilang paligid.
Kundi maging ang mga hayop na ito tulad na lamang ni Jill na nakakuha ng motibasyon at suporta mula sa kaniyang amo. Ikaw, ano ba ang interes ng alaga mong hayop?