Isang asong mayroong kapansanan, hinangaan ng publiko dahil sa pagiging masayahin nito sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan!

Marami ang humahanga ngayon sa asong ito mula sa Peru. Siya ay nakilala bilang si Estrella. Isinalang si Estrella na walang mga binti sa harapan.

Ito marahil ang dahilan kung kaya basta na lamang siya iniwanan ng kaniyang mga amo sa lansangan. Ang isang taong gulang at kalahati na si Estrella ay inampon at inaalagaan ng isang mag-asawang nagpapatakbo ng animal refuge sa Tinga Maria, Peru.

Dahil sa pagtalon-talon nito na parang isang kangaroo ay sumikat at nakilala siya ng publiko. Halos isang araw din ang nakaraan matapos niyang maging isang sikat na aso buhat nang mapunta siya sa animal sanctuary na ito.

Ilan sa mga larawan niya ang pumukaw sa atensyon ng publiko. Halimbawa na lamang ang larawan niya habang siya ay nakuhanang tumatalon-talong gamit lamang ang dalawa niyang binti sa likuran.

Makikita rin sa mga larawang ito ang ilang mga aso na nakatingin lamang sa kaniyang ginagawa. Ayon sa mag-asawang nag-ampon sa kaniya na sina Ivan Escobar at misis nitong si Elva Carhuaz, bagamat mayroong kapansanan si Estrella ay natuwa sila nang matagpuan nito noong siya ay anim na buwang gulang pa lamang.

Mula nang dumating siya sa kanilang animal shelter ay talagang dumami lalo ang kanilang mga bisita.


“She is like a baby who starts learning how to walk. That is how we see her, from that day (when they found Estrella) until today that is what she learned”, Pahayag ni Elva.

Mapalad si Estrella dahil mayroon pa ring mag-asawang tumulong at nagmalasakit sa kaniya. Sa murang edad ay naranasan na niya kung gaano kahirap ang magpalaboy-laboy sa lansangan kung kaya naman tiyak na marami ang naantig sa kaniyang kwento.

Pinabayaan man siya ng pamilyang pinagmulan niya noon, mapalad naman siya dahil sa mayroon siyang mapagmahal na mga tagapag-alaga ngayon. Sana ay mas marami pa ang maging responsableng pet owners sa paglipas ng panahon upang kahit papaano ay mabawasan na ang mga hayop na katulad ni Estrella.