Isang 54 taong gulang na ginang, mayroong pambihirang kagandahan na aakalain mong siya ay anak na babae ng kaniyang asawa!

Sa panahon natin ngayon, talagang napakarami na ang mabilis na nanghuhusga pagdating sa panlabas na kaanyuan. Tila ba ito na ang pinakamahalaga at pinakaimportanteng bagay sa ngayon at hindi na nabibigyang importansiya ang pagkakaroon ng mabuti at magandang pag-uugali.

Ngunit dapat nating pakatandaan na bago pa man ang ating panglabas na anyo ay dapat nating bigyang-pansin ang ating pag-uugali. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa isang ginang na ito dahil sa kabila ng kaniyang edad ay tila hindi ito tumatanda.

Siya ay nakilala bilang si Puspa Dewi na isang entreprenyur sa Indonesia. Mukha talaga siyang modelo na tila ba huminto na sa pagtanda.

Marami nga ang nagkakamali at nag-aakala na nasa mid-20s lamang ang kaniyang edad habang sa totoo ay 54 taong gulang na siya. Maging ang kaniyang balat ay talagang porselana at napakakinis.

Nang minsan siyang magbahagi ng kaniyang larawan kasama ang kaniyang anak na lalaki at apo ay maraming nagkomento na parang siya ang ina at hindi lola ng sanggol! Di batid ng marami na ang kaniyang pambihirang ganda pala ay namana rin niya sa kaniyang mga ninuno na tulad niya ay mayroon ding angking kagandahana at kagwapuhan sa kabila ng kanilang edad.


Minsan na din siyang nagbahagi ng komento sa kaniyang social media kung saan nabanggit niya na “There are no ugly women in the world, only lazy women. No maintenance.” Sinong mag-aakala na sa dami ng humahanga sa kaniya ay mayroon na siyang higit 531,000 followers ngayon sa Instagram lamang at isa na nga siya sa mga tinaguriang rising internet celebrity.

Maliban sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay ay hindi rin niya kinakalimutan ang pag-eehersisy, pagpunta sa gym, pagkakaroon ng vegetarian diet, at regular na pangangalaga sa kaniyang balat. Tunay nga na kailangan din nating pagsumikapan ang pagkakaroon ng maganda at malusog na pangangatawan.