Isang Pinoy artist, nagpamangha sa publiko matapos nitong lumikha ng mga celebrity look-alike figurines mula lamang sa mga ordinaryong manika!

Noong tayo ay mga bata pa, talagang nakagisnan na natin ang maglaro ng mga paborito nating laruan. Para sa mga kalalakihan marahil ay bola, robot, kotse ang madalas nating nakikitang nilalaro nila habang mga manika naman o di kaya ay luto-lutuan para sa mga kababaihan.

Ngunit sa paglipas ng panahon, talagang marami na ang nagbago. Wala na ngayon sa kasarian ang paglalaro ng mga laruang ito dahil mas malawak na ang isipan ng mga tao pagdating sa mga ganitong bagay.


Malaki at malawak na rin ang LGBTQ community sa iba’t-ibang panig ng mundo kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na mas maraming mga tao na ngayon ang talagang bukas ang isipan. Kamakailan lamang ay marami ang pumuri sa isang Filipino artist na ito na bagamat siya ay isang lalaki ay nahilig sa mga manika!

Hindi lamang sa ordinaryong manika nahilig ang Pinoy painter na si Noel Cruz dahil sa ang mga manikang ito ay ginagawa niyang kamukha ng mga sikat na artista. Sinong mag-aakala na ang manikang nagkakahalaga lamang ng US$9.45 (Php495) na kaniyang nabili ay kaya niyang gawing US$62,795.00 (400,000 yuan) o katumbas ng mahigit 3.2 milyong piso!

Talaga namang nakakamangha ang kaniyang talento kung kaya naman maraming mga netizens talaga ang nagbigay ng kanilang mga opinyon patungkol dito. Ayon sa ilang mga nauna nang ulat, si Noel ay mahilig nang gumuhit.


Hilig na rin niya noon ang mangolekta ng iba’t-ibang klase ng mga manika. Dahil wala siyang pera nang mga panahon na iyon ay mumurahin lamang talaga ang kaniyang mga nabibili.

At nang lumaki na siya ay saka niya sinubukang pagandahan ang mga mumurahing manika na nakagisnan niya noon. Sa loob ng sampung taon ay talagang nagawa niyang mas linangin pa ang kaniyang talent sa pagguhit ng mga manikang ito na mas lalo pa niyang napaganda!

Magugulat pa nga ang kaniyang mga kliyente dahil bawat detalye ay talagang maihahalintulad sa mga sikat na artistang kaniyang ginagaya.