“World’s Oldest Person” na mula sa Japan, pumanaw na sa edad na 119 taong gulang!

Nitong nagdaang mga taon, marami sa ating mga Pilipino ang talagang natauhan at mas nagbigay ng pagpapahalaga sa mabuting kalusugan at pangangatawan. Talaga namang hindi biro ang ganitong usapin lalo na sa modernong pamumuhay natin sa ngayon na napakarami nang mga masasarap na pagkain ngunit karamihan ay wala namang sustansiyang taglay.

Gayundin naman ay mas marami na rin ang mga taong abala ngayon sa paghahanap-buhay at wala na ring masyadong panahon sap ag-eehersisyo at iba pang mga bagay na kailangan natin upang maging malakas at malusog at ating pangangatawan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga Pilipino na ang mga Hapon mula sa bansang Japan ay kilala sa pagiging konserbatibo at pagkakaroon ng mataas na pagtingin sa mabuting kalusugan at pangangatawan.

Nito lamang buwan ng Abril 2022 ay marami ang nagdalamhati dahil sa pagpanaw ng “World’s Oldest Person” na mula sa Japan na si Kane Tanaka. Siya ay sumakabilang-buhay sa edad na 119 taong gulang.

Siya ay isinilang noon pang Enero 2, 1903 na taon din naman kung kailan nakilala ang Wright Brothers na hinahangaan ng buong mundo dahil sa kanilang “motor-driven airplane”. Taong 2019 nang kilalanin si Tanaka ng “Guinness World Record”.

Abril 19, 2022 nang siya ay pumanaw sa isang ospital sa Fukuoka City, Western Japan dahil na rin sa katandaan. Maaalalang ibinahagi niya noon sa ilang mga interview na paborito niya ang tsokolate at mga “fizzy drinks” o mga inumin na non-alcoholic at may bula.
Ang bansang Japan ay mayroong tumataas pang populasyon ng mga matatanda na isa sa mga malalaking hamon sa kanila ngayon. Noong nakaraang Setyembre ay mayroong 86,510 na mga centenarians ang Japan kung saan siyam sa kada sampu ay mga babae.

Tunay nga na napakabilis lamang ng buhay para sa iilan sa atin, ngunit marami din naman ang talagang nakaranas at nasilayan ang ganda ng buhay lalo na sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.