“World’s Largest Sapphire Cluster” na nagkakahalaga ng $100 million, natagpuan sa isang likod-bahay sa Sri Lanka!

Natagpuan sa isang likod-bahay sa Sri Lanka ang “sapphire cluster” na ito na nagkakahalaga ng $100 million! Naghuhukay ang mga trabahador sa isang bahay nang makita nila ang naturang gemstone.

Ayon sa isang gem trader, natagpuan ito ng mga trabahador sa isang bahay sa “Ratnapura area”. Ang mga eksperto na mismo ang nagsabi na ang naturang bato na “pale blue” ang kulay ay nagkakahalaga ng $100 million sa international market.

Mayroon daw itong timbang na nasa 510 kilograms o 2.5 million carats. Tinawag itong “Serendipity Sapphire”.

“The person who was digging the well alerted us about some rare stones. Later we stumbled upon this huge specimen,” Pahayag ni Mr. Gamage, ang nagmamay-ari sa naturang gemstone.

Hindi na niya sinabi pa ang kaniyang buong pangalan at lugar kung saan siya naninirahan para na rin sa kaligtasan niya at ng kaniyang buong pamilya. Si Mr. Gamage ay isang “third generation gem trader” at siya pa mismo ang nagsabi sa otoridad patungkol sa natagpuang mamahaling bato sa kaniyang tahanan.

Inabot rin daw ng halos isang taon ang paglilinis sa bato dahil na rin sa dami ng putik at dumi nito kung kaya hindi ito kaagad na nasuri at na-certify. Ang lugar ng Ratnapura ay nangangahulugan na “city of gems” sa Sinhalese.

Kilala rin ito bilang “gem capital” ng South Asian countries. Noon pa man ay marami nang natatagpuang mahahalaga at mamahaling mga gems dito.

Ang Sri Lanka naman ang leading exporter ng sapphires at iba pang mamahaling mga gems. Kalahating bilyong dolyar agad ang kinita ng bansa na ito noong nakaraang taon para lamang sa kanilang gem export, cut diamonds, at iba pang mga alahas.

“I have never seen such a large specimen before. This was probably formed around 400 million years ago,” Komento naman ito ni Dr. Gamini Zoysa, isang kilalang gemmologist.