Video ng isang mister, kapiling ang kaniyang misis sa mga huling sandali nito, umantig sa puso ng publiko!

Napakasarap mabuhay lalo na kung kasama natin ang ating minamahal. Marami mang pagsubok at paghihirap sa mundong ito, nagagawa pa rin natin itong malampasan dahil sa tulong ng mga taong nagmamahal sa atin.

Biyayang maituturing kung makakatagpo tayo ng taong magmamahal sa atin ng totoo. Hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong lumigaya at maging kuntento sa buhay kasama an gating mga minamaha.

Hindi natin batid ang bukas kung kaya naman dapat ay huwag nating sayangin ang pagkakataon kasama sila. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang video na ito ng isang mister na kapiling ang kaniyang may sakit na asawa sa mga huling sandali nito.

Makikitang nakahiga sa duyan ang dalawa habang nakikinig ng paborito nilang kanta. Mapapansin sa video na pangiti-ngiti pa ang lalaki habang hawak ang kamay ng kaniyang asawa ngunit sa kalagitnaan ng video ay hindi na nito mapigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Siya ay nakilala bilang si Jayr Atablanco. Sa kabila ng mahirap na pinagdadaanan nila ay talagang sinisigurado niyang mabibigyan niya ng oras at panahon ang kaniyang misis sa mga huling sandali nito.


Talaga namang maraming mga netizens din ang naka-relate dahil sa marami din naman sa atin dumadaan sa ganitong klase ng matinding pagsubok. Dahil sa video na ito ni Jayr ay mas marami sa atin ang namulat na dapat nating pahalagahan ang mga taong mahal natin.

Dahil hindi naman habang buhay ay kasama natin sila. Huwag dapat nating sayangin ang bawat oras at bawat panahon na puno lamang ng pagdaramdam, tampuhan, at hindi pagkakaunawaan.

Hindi lamang ito para sa mag-asawa kundi para din sa mga magulang at mga anak. Napakasakit mawalan ng minamahal, ngunit kung ito ang magiging paraan upang hindi na sila mahirapan, hindi na sila masaktan pa, marahil ay dapat na rin tayong magparaya at ipagpasa-Diyos na lamang ang lahat.