Video ng isang bata at kanilang aso na nasasabik sa pag-uwi ng kanilang ama, kinagiliwan ng publiko!

Ang pagkakaroon ng isang pamilya ay hindi isang biro. Hindi rin ito madali at lalong hindi basta basta maaaring bitawan kapag tayo ay sumuko na at napagod na.

Ito ay isang mabigat na responsibilidad ng isang mag-asawa. Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap ng nakararami sa atin sa pagtatrabaho lalo na kung mayroon na silang mga anak.

Bagamat mahirap din ang pag-aalaga at pagpapalaki ng mga bata, sinisikap nating magawa ito ng maayos dahil pambihirang kaligayahan din naman ang dulot nito sa atin. Marahil nakakabalita tayo ng ilang mga bansa na limitado lamang ang bilang ng maaaring maging anak nila o di kaya naman ay mas pinipili na lamang ng isang mag-asawa na hindi na muna mag-anak dahil sa hirap ng buhay.

Wala namang masama sa ganitong klase ng mentalidad dahil magkakaiba rin naman tayo ng sitwasyon sa buhay. Ngunit marami ang tiyak na sasang-ayon na iba pa rin talaga ang saya kapag mayroong bata o mga bata sa isang tahanan.

Tulad na lamang halimbawa ng isang video na ito kung saan mapapanuod ang isang bata kasama ang alaga nitong aso.

Sa video na ito ay makikita ang isang napakacute na batang paslit at kanilang aso na labis ang pagkasabik sa pag-uwi ng kanilang ama. Tumatalon pa ang mga ito habang naghihintay sa kanilang pintuan.


Kapansin-pansin na malayo pa lamang ang sasakyan ng kanilang ama ay alam na nilang siya ang paparating. Para sa mga magulang, wala nang higit pang sasarap sa pakiramdam na mayroong mga taong naghihintay sa iyong pag-uwi.

Sasalubungin ka ng mayroong ngiti sa kanilang mga labi at mayroong pananabik. Tulad na lamang ng video na ito, marahil ay isang buong araw ding hindi nakita ng bata at ng aso ang kanilang ama.

Nagsisilbi rin naman itong inspirasyon para sa mga magulang na mas magsumikap pa sa buhay para sa ikaaayos ng kinabukasan ng kanilang mga anak.