Umulan man o umaraw, talagang naghihintay ang aso na ito na muli siyang balikan ng kaniyang mga amo na nag-abandona sa kaniya!

Pinatunayan ng kawawang aso na ito kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng “loyalty” sa kaniyang mga amo. Hindi kasi ito umaalis sa lugar kung saan siya iniwanan ng mga ito.

Sabi nga ng matatanda, kapag binigyan mo ng tahanan ang isang aso ay susuklian niya ito ng pagiging tapat hanggang sa siya ay nabubuhay. Dahil dito ay marami ang naantig sa kwentong ito ng asong natagpuan sa isang abalang kalsada sa Ipoh Perak, Malaysia.

Kahit pa nga umulan ng malakas o di kaya naman ay sumikat ng matindi ang araw, talagang naghihintay lamang ito sa eksaktong lugar na iyon kung saan siya iniwanan ng mga taong itinuring niyang pamilya. Kahit pa ilang buwan na rin ang nakalipas ay hindi nawawalan ng pag-asa ang aso na ito na muli siyang babalikan ng kaniyang mga amo.

Tila ba siya ay kumakapit pa rin sa katiting na pag-asang mayroon siya ng mga panahong iyon. Napansin ng isang “concerned citizen” ang aso na ito na palagi na lamang naroroon kung kaya naman kinuhanan niya ito ng video.

Ibinahagi niya ito sa isang social media platform ngunit agad din naman itong nabura. Hindi nagtagal at muli itong ipinost ng animal rescue group na “Pawsome Rescue Aid”. Ginawa nila ito dahil gusto nilang magbigay kaalaman sa publiko patungkol sa laganap na pag-aabandona ngayon ng mga alagang hayop.


“Please don’t ever get a dog if you are only gonna dump it. This doggy has been there in the same spot for months (rain or shine) waiting for his owner to take him back.” Caption ng naturang animal rescue group sa kanilang page.

Hanggang sa ngayon, marami pa ring mga alagang hayop ang basta basta na lamang iniiwanan at inaabandona ng kanilang mga amo. Iniiwanan sa isang lugar kung saan walang pagkain o inumin man lamang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @pawsome.rescue.aid

Sana ay mas marami pa sa atin ang maging responsable at disiplinado sa pag-aalaga ng mga hayop na ito.