Twin sisters na nagpakasal sa kambal din, magkasabay na nagsilang ng sanggol na lalaki!

Twin sisters mula sa Virginia, USA na nakilala bilang sina Brittany at Briana Deane ang umibig sa kambal din na sina Josh at Jeremy Salyers. Noon pa man ay talagang pangarap na ng magkapatid na Deane na magkaroon sila ng sarili nilang pamilya ngunit hindi nila lubos akalain na makakapangasawa pala sila ng magkakambal din.


Nagkakilala sila nang minsang dumalo sila sa Twins Annual Meeting noong Agosto 2017. Isang taon ang nakalipas at nagpakasal na sila.


Bago pa man ang kanilang kasal ay magkasabay din palang nagpropose ang kanilang mga nobyo sa kanila. Nagpakasal sila nang sabay habang nakasuot din ng magkatulad na wedding dress sina Brittany at Briana.

Laking gulat nila nang magkasabay ding nabuntis ang magkapatid. Malaki ang tyansa na magiging magkamukha ang kanilang mga sanggol dahil magkakatulad din ng genes ang dalawang kambal.


Sa iisang bahay lamang nakatira ang dalawang magkakambal kung sana magkasabay din nilang inaalagaan ang kanilang mga anak. Talaga namang aakalain mong magkakambal din ang kanilang mga anak dahil sa pagkakamukha nila.


Ngunit ito ay maaaring dahil sa pagkakaroon nila ng kambal na ama at ina. Kung kaya naman kahit na magpinsan lamang sila ay aakalain mong kambal silang dalawa. Kuntento naman sila sa sitwasyon nila ngayon na magkasama nilang binubuo ang kanilang munting pamilya.

Ngunit hindi maiiwasang marami pa ring mga netizen ang mayroong iba’t-ibang komento patungkol sa kanilang pamumuhay. Hindi sang-ayon ang karamihan sa mga netizen na ito ngunit marami din naman ang nagpapahayag ng suporta at paghanga sa kanila.

Hindi na lamang pinapansin ng dalawang mag-asawa ang mga negatibong komento ng publiko tungkol sa kanila. Sa ngayon ay masayang-masaya sila dahil lumalaki nang malusog at magkasama ang kanilang mga anak kung kaya naman wala na silang mahihiling pa.


Sisikapin din daw nilang masuportahan ang bawat isa sa abot ng kanilang makakaya para sa kanilang pamilya.