Tuta na isinilid lang sa kahon sa gitna ng nagyeyelong panahon, nakaligtas at nasa mabuti nang kalagayan sa ngayon!

Isang maganda at maamong tuta ang inabandona ng isang walang pusong lalaki sa gitna ng nagyeyelong panahon. Nakasilid lamang ito sa kahon at walang kahit anong proteksyon sa matinding lamig.

Tila hinayaan siya sa lugar na iyon upang doon ay masawi. Nakaranas ng “hypοthermia” ang tuta at nasa bingit na ang kamatayan.

Buti na lamang at may nakakita sa kaniyang isang babae ma tumawag naman sa isang rescue centre. Ang tuta palang ito ay natagpuan sa isang lugar sa Russia.

Si Ms. Tamara ang tumulong sa kaniya. Awang-awa ito sa kaniyang kalagayan dahil sa sobrang uhaw na uhaw na ito, mapapansin din sa kaniyang katawan ang labis na panghihina.

Wala ring senyales ng “blood pressure” sa tuta kung kaya naman nangangamba ang mga staff na nagrescue sa tuta kung makakaligtas pa ito. Ngunit tila ba may bumubulong sa isipan ni Ms. Tamara na huwag sukuan kaagad ang tuta.

Kung kaya naman isinakay niya ito agad sa kaniyang sasakyan at dinala sa beterinaryo. Nang makarating sila sa doktor ay hinang-hina na ang katawan ng tuta at hirap na hirap na rin itong huminga.

Agad namang pinainitan ng vet ang katawan nito at binigyan siya ng kaunting tubig. Mas naging malaking problema pa nang matuklasan nilang may mga “parasite” sa loob ng katawan ang tuta kung kaya hindi nagiging mabuti ang kaniyang kalagayan.

Agad naman nilang sinikap na malunasan ito. Gamit ang heating pad, blood transfusion, at mga gamot na itinurok sa tuta ay umaasa silang magkakaroon ng himala at makakaligtas ang tutang ito. Hanggang sa ngayon ay ipinagdarasal pa rin nilang gumaling na ang tuta na si Joseph.

Joseph ang ipinangalan nila sa kaniya dahil nararamdaman nilang mabait ito. Nagkataon lamang na napunta siya sa maling tao na nagdala sa kaniya ng kapahamakan dahil sa ginawa nitong pag-abandona sa kaniya sa gitna ng niyebe.