Tatlong taong gulang na batang lalaki, nakahukay ng 500 taong gulang na kayamanan na milyon-milyon ang halaga sa kaniyang kauna-unahang metal detecting adventure!

Napakapalad ng tatlong taong gulang na si James Hyatt dahil sa nakapaghukay lang naman siya ng 500 taong gulang na kayamanan na nagkakahalaga ng milyon-milyon! Kasama niya ang kaniyang ama at ang kaniyang lolo sa ginawa nilang metal adventure.

Talaga namang napakasaya ni James sa ginawa nilang ito. Ngunit sinong mag-aakala na isang simpleng laro lamang para sa atin ay maaari palang maging dahilan upang makatagpo ng isang mamahaling kayamanan!

Nakahukay si James ng isang “rare gold locket” na nagkakahalaga lang naman ng US$3.1 million o katumbas ng mahigit sa Php158,831,600! Gamit ang kanilang metal detector ay kaagad na naghukay sina James at ang kaniyang ama nang biglang marinig nila ang tunog mula rito.

Ang nahukay pala nilang kayamanan ay 500 taong gulang na. Ito ay isang 16th century locket, na mula pa sa kapanahunan ni Henry VIII. Ayon sa ilang mga eksperto ay maaaring pagmamay-ari ito ng isang maharlikang pamilya.

Ayon sa ilang mga ulat, ang perang kikitain nina James ay kailangan din nilang hatiin sa may-ari ng lupa kung saan nila nahukay ang naturang kayamanan.

“I was holding the detector and it went beep, beep, beep. Then we dug into the mud. There was gold there. We didn’t have a map – only pirates have treasure maps”, Pahayag ni James.


“We dug six to eight inches down and lo and behold, we got a flash of gold. I moved the earth around and brought it to the surface and there it was,” Pahayag naman ni Jason, ama ni James sa BBC.

“James was so excited when he realized he had found real treasure. My son is one of the luckiest people ever.” Dagdag pa ng ama.

Ang kayamanan na ito ay mayroong bigat na 8.68 grams, 73 percent gold, at mayroon ding larawan ni Birheng Maria na may hawak na krus.