Tatlong mga kabataan ang tumulong sa aso na ito na pinaluputan ng isang malaking sawa gamit lamang ang isang paa ng lamesa at ilang mga dahon!

Sa araw-araw nating buhay, hindi naman talaga maiaalis ang makaranas tayo ng mga delikado at nakakatakot na pangyayari. Tiyak na lahat tayo ay nagkaroon na ng ganitong klase ng karanasan.

Sa panahon natin ngayon, marami pa ring lumalaganap na mga uri ng krimen at kung ano ano pang nakakatakot na pangyayari.

Halimbawa na riyan ang mga taong basta basta na lamang nawawala, yun pala ay mayroon nang kumuha o dumukot sa kanila. Dahil dito ay mas lalo dapat tayong maging maingat lalo na kung tayo ay nasa labas ng ating mga tahanan.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, mayroon din namang mga bagay na nangyayari mismo sa loob ng ating mga tahanan o sa ating mga bakuran mismo. Kadalasan ay nakukuhanan na ito ng larawan o video na ibinabahagi naman sa iba’t-ibang social media platforms.

Tulad na lamang ng pangyayaring ito na nakuhanan ng isang video. Sa unang tingin ay talagang matatakot at kakabahan ka dahil sa napakalaking ahas na naglingkis sa isang aso.

Sa isang video ay makakikita ang tatlong mga kabataan na pilit tinutulungan ang isang aso na makatakas mula sa isang malaking ahas. Ang isang batang lalaki ay mayroong hawak na metal na tila ba paa ng lamesa na siya niyang idiniin sa ulo ng ahas.

Habang ang dalawa pa niyang mga kaibigan ang naghahagis ng dahon sa ahas upang lumuwag ang paglingkis nito sa aso. Hindi nagtagal at unti-unti na ring lumuwag ang pagkakalingkis ng ahas sa aso. Dahilan upang makatakas ang aso.


Nang makatakas ito ay agad namang hinawakan ng isa sa kanila ang ulo ng ahas at iniyabang na nagawa nilang mahuli ang dambuhalang ahas. Tunay ngang nakakamangha ang kanilang ginawa na pagtulong sa kawawang aso.

Ngunit hindi rin dapat nila kaligtaan ang pagiging maingat sa kanilang sarili. Dapat din nilang isipin ang kanilang kaligtasan lalo na kung hindi naman sila eksperto sa ganitong klase ng mga bagay.