Single mom na si Trina Candaza, lalo pang naging blooming at seksi sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan sa ngayon!

Marahil ay marami na rin ang makapagpapatunay na ang pakikipagrelasyon ay isang kumplikadong proseso. Talaga namang kailangan ng pagmamahal, pasensiya, at sakripisyo ng dalawang taong nagmamahal upang talagang maging maayos ang kanilang pagsasama.

Sa panahon natin ngayon, talagang mahirap na ang pumasok sa isang relasyon. Hindi tayo sigurado kung ano ang totoo at kung ano ang hindi.

Kamakailan lamang ay marami na tayong nababalitaang alitan at hiwalayan ng ilang mga sikat na personalidad. Maaalalang Enero 2019 nang maging maingay ang pangalan nina Carlo Aquino at Trina Candaza.

Makalipas ang ilang taon, taong 2021 ay isinilang naman ni Trina ang anak nilang si Enola Mithi. Sa kasamaang-palad ay tila hiwalay na ang dalawa buhat nang mag-post si Trina ng isang cryptic post sa kaniyang Facebook account na nagsasabing:

“”You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae. Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan magbabago.” Enero 28 nang ibahagi niya ito sa kaniyang social media account.

Nagkaroon din siya ng pinakabagong vlog na pinamagatan niyang “Our New Home”. Ipinasilip niya rito ang bagong tinitirahan nilang condominium unit ng kaniyang anak na si Enola.


“Obviously we moved to a new home. Bago na ‘yung tinitirahan namin. Dito ko pinili kasi if ever na mag face-to-face, at least malapit na ako sa school and mabilis ako makakauwi kay Mithi.” Pahayag niya.

Noong una ay marami pa ang tila humuhusga sa modelo dahil sa nangyari sa kaniya. Karma niya raw ito dahil noong nagkakamabutihan pa si Carlo at ang dati niyang on-screen partner ay saka naman nagkaroon sila ng relasyon.

Agad namang nilinaw ni Trina na wala siyang inagaw kahit kailan dahil siya naman talaga ang niligawan ng aktor noon. Sa ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng komento ang aktor patungkol sa diumano ay hiwalayan nila ni Trina.

Sa kabila ng pinagdaraanan ni Trina ay talaga namang kapansin-pansin ang angking kagandahan nito. Napakaganda, blooming, at talaga namang napakaseksi pa rin nito sa kaniyang mga larawan.

Proud single mom nga kung ilarawan siya ng mga netizens.