Sila pala ang mga makikisig at gwapong aktor na nanligaw noon sa aktres na si Sunshine Cruz ngunit na-busted din naman agad!

Noon pa man ay marami na tayong hinahangaan na magaganda at gwapong artista. Gaano nga kaya kahirap kung ang isang maganda at seksing artista ay liligawan ng ilang gwapo at makikisig na aktor?

Paano niya kaya pipiliin ang lalaking magwawagi ng kaniyang puso? Halimbawa na lamang ang sikat na aktres at singer na si Sunshine Cruz.

Siya ay 44 na taong gulang na ngunit mababakas pa rin sa kaniyang mukha ang napakaganda niyang hitsura at napanatili rin niya ang kaniyang angking kaseksihan. Lingid sa ating kaalaman ay noon pa man ay marami na talaga ang nabibighani ng kaniyang kagandahan. Ilan sa mga ito ay mga sikat na aktor at personalidad. Narito ang ilan sa kanila:

JOKO DIAZ


Si Francisco Gutierrez Diaz Jr., o mas nakilala natin bilang si Joko Diaz ay 50 taong gulang na aktor. Sumikat siya bilang isang action star noong 80’s. Marami na rin siyang nagawang proyekto kung saan siya ay naging isang bida at kontra-bida. Isa siya sa mga nanligaw noon kay Sunshine ngunit hindi sila naging magkasintahan dahil binusted siya ng aktres. Bumawa naman raw ito sa aktor dahil si Sunshine ang naging daan upang makilala ni Joko ang kaniyang asawa ngayon na kaibigan ni Sunshine noon.

TONTON GUTIERREZ


Si Eduardo Antonio Winsett Gutierrez, Jr. o mas nakilala natin bilang si Tonton Gutierrez ay 57 taong gulang na aktor na minsan ding nanligaw kay Sunshine. Nagpa-tattoo pa nga raw ito ng pangalan ng aktres sa kaniyang dibdib upang makita lamang kung gaano niya ito kamahal. Ngunit naging abala na si Sunshine sa kaniyang trabaho at hindi na niya nabigyang-pansin pa ang buhay-pag-ibig kung kaya naman hindi rin naging sila ng aktor.

KEEMPEE DE LEON


Si Joseph Joachim Tugas de Leon naman o si Keempe de Leon ay 49 taong gulang na aktor, komedyante, singer, songwriter, at TV host. Anak siya nina Joey de Leon at Daria Ramirez. Ayon kay Sunshine ay siya ang may pinakamaraming beses na panliligaw sa kaniya. Apat na beses daw siya niligawan ni Keempee ngunit hindi pa rin naging sila. Nilinaw din naman ng aktres na napakabuting tao ni Keempee.

KIER LEGASPI


Si Christopher Lim Legaspi o si Kier Legaspi ay sumikat bilang kontrabida noong 90s sa maraming mga pelikula. Siya ang nakabatatang kapatid nina Zoren Legaspi at Brando Legaspi. Inamin ni Sunshine na hindi niya raw type ang aktor noon kahit pa nga ito ay makisig at gwapo rin naman.

RAYMART SANTIAGO


Si Raymond Martin Legaspi Santiago o si Raymart Santiago ay 48 na taong gulang na aktor, komedyante, at TV host. Ayon kay Sunshine ay siya ang pinakanagustuhan niya sa lahat ng nanligaw sa kaniya dahil napakagentleman daw nito. Ang naging problema lamang ay palagi itong maraming kasama sa tuwing lumalabas sila kung kaya naman hindi rin naging sila.

CESAR MONTANO


Si Cesar Manhilot o Cesar Montano naman ang naging kauna-unahang nobyo ni Sunshine. Ito rin ang kaniyang naging asawa at naging ama ng kaniyang tatlong anak. Taong 2000 nang ikinasal silang dalawa ngunit makalipas ang 13 taon ay napawalang-bisa rin ito. Ang kanilang pagsasama ay nagkakaroon ng tatlong mga anak na babae, sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.

Minsan nang ibinunyag ng aktres ang mga pagsubok at paghihirap na pinagdaanan niya sa kaniyang dating relasyon. Kung kaya naman ngayon ay laking pasasalamat niya at natagpuan na niya ang tunay na lalaking magmamahal sa kaniya at sa kaniyang mga anak na nasa kaniyang poder.

Ito ay walang iba kundi ang half-brother ni Ara Mina na si Macky Mathay na isang businessman. Sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa dahil buo na ang kaniyang pamilya kapiling si Macky at ang mga anak nito.