Siya pala ang napakaganda at napakaseksing anak ni Ogie Diaz!

Ang mundo ng showbiz ay magulo at maingay. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang nagnanais at sumusubok na makapasok sa industriyang ito.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan din ang panganay na anak na ito ni Ogie Diaz. Matagal na nating napapanuod si Ogie na isang kilalang komedyante.

Maliban sa pagiging isang mahusay na komedyante ay isa rin siyang entertainment reporter, at isang talent manager. Isa sa mga alaga niya ay ang aktres na si Liza Soberano.

Sa ngayon ay 52 taong gulang na siya at nabiyayaan din siya ng isang malaking pamilya. Bagamat openly gay siya ay masaya pa rin ang naging buhay niya kapiling ang kaniyang partner na si Georgette del Rosario at lima nilang anak.

Higit sa 20 taon na rin ang kanilang pagsasama ngunit mas nagiging matatag at masaya pa ito. Ang panganay niyang anak na si Erin ay unti-unti na ring nakikilala ngayon.

Mayroon siyang YouTube channel na “Erin Diaz” na ngayon ay mayroon nang higit sa 619,000 subscribers. Marami din ang humahanga sa kaniya dahil napakaganda ng naging pagpapalaki ni Ogie sa kaniyang mga anak lalo na sa kaniyang panganay na si Erin.

Dahil madalas na abala ang kanilang mga magulang sa trabaho ay si Erin na daw ang kanilang inaasahan. Responsable raw ang kanilang anak at maaari nang iwanan kasama ang kaniyang apat pang mga kapatid.

Sa ika-18 taong kaarawan niya nga ay nagulat ang marami dahil talagang naroroon sina Vice Ganda at Liza Soberano. Naging napakaespesyal daw ng kaaarawan niyang ito na talagang ipinagpasalamat niya sa kaniyang mga magulang.

Hindi lahat ng mga anak ng sikat na personalidad ay nagiging responsable at magalang tulad ni Erin. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya ngayon lalo na sa pagsabak niya sa mundo ng vlogging.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *