Sila pala ang mga babaeng na-link noon kay Bossing Vic Sotto, kilalanin natin sila!

Si Marvic Valentin Castelo Sotto o mas nakilala natin bilang si Vic Sotto ay 67 taong gulang na aktor, singer, at komedyante. Napakarami na niyang nagawang proyekto noon pa man. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na ituring siya bilang isa sa mga haligi ng showbiz. Taong 1977 nang siya ay magsimula at maging aktibo sa showbiz. Marami na ring mga babae ang na-link sa kaniya. Narito ang ilan sa kanila:

CHIQUI HOLLMAN


Si Chiqui Hollman ay isa sa naging matalik na kaibigan noon ni Vic Sotto. Ngunit walang masyadong impormasyon sa kaniyang hanggang sa ngayon.

DINA BONNEVIE


Si Dina Bonnevie naman ay unang nakilala ni Vic nang magkasama sila sa pelikulang “Age Doesn’t Matter”. Magkapares silang dalawa, habang si Tito Sotto ay kay Maricel Soriano at si Joey de Leon ay kay Snooky Serna.

CONEY REYES


Taong 1982 nang mapabilang si Coney Reyes sa Eat Bulaga! Siya ang pumalit kay Chiqui Hollman. Sa edad niyang 29-anyos ay kakahiwalay pa lamang niya noon sa asawa niyang si Larry Mumar na isang basketball player. Nagkaroon sila ng dalawang anak ni Larry sina L.A. at Carla. Habang si Vico Sotto naman ang naging bunga ng kanilang relasyon.

ANGELA LUZ


Si Angela Luz naman ay isang commercial model. Nang magkahiwalay noon sina Coney at Vic ay sila naman ang nagkaroon ng relasyon kung saan naging anak nila si Paulina Luz Sotto.

CHRISTINE JACOB


Nang magkahiwalay naman sina Angela at Vic ay mayroong kumalat na balitang lumalabas diumano sina Christine Jacob na co-host din nito sa Eat Bulaga!

KRISTINE FLORENDO


Taong 1997 nang makoronahan bilang Miss Philippines World si Kristine ngunit pagkatapos nito ay hindi na nagtagal pa ang usap-usapan tungkol sa naging ugnayan nila ni Vic Sotto.

PIA CABREIRA


Tulad ni Kristine ay hindi rin naging masyadong popular ang ugnayan nila ni Bossing Vic. Bagamat mayroong ilang impormasyon online patungkol sa kanilang koneksyon.

PIA GUANIO-MAGNO


Sa loob ng limang taon ay naging magkarelasyon sina Vic at Pia. Pareho silang hosts ng Eat Bulaga! ng mga panahong iyon. Ngunit bandang huli ay nagkasundo rin ang dalawa na maghiwalay.

KRIS AQUINO


Mayroon ding ilang mga usap-usapan na muntik na raw maging magkasintahan ang dalawa. Ngunit walang naging kumpirmasyon sa magkabilang-panig.

PAULEEN LUNA-SOTTO


Si Pauleen naman ang misis ngayon ni Vic Sotto. Taong 2016 nang ikasal sila at kalaunan ay nabiyayaan din sila ng isang anak, si Talitha na ngayon ay 4 na taong gulang na.