“Saddest Cat in the World”, pumukaw sa puso ng maraming mga netizens!

Pagdating sa pagpapakita o pagpaparamdam ng ating mga emosyon, marami tayong pamamaraan bilang mga tao upang epektibo nating maipahayag ang mga nararamdaman nating ito sa ibang tao. Halimbawa na lamang ay ang direktang pagsasabi ng ating mga emosyon at damdamin patungkol sa isang bagay na ginawa ng ating kapwa sa atin na maaaring nakapagpasama ng ating kalooban o di kaya naman ay nakapagsaya sa atin.

Ngunit paano naman kaya ang mga hayop sa ating paligid, partikular na ang ating mga inaalagaan. Paano nga kaya nila maipapahayag ang tunay nilang nararamdaman kung hindi naman sila nakapagsasalita?

Isa marahil sa mga epektibong paraan ay ang pagkakaroon nila ng iba’t-ibang ekspresyon ng kanilang mukha. Halimbawa na lamang ang pusa na si Lulu. Siya lang naman ang tinaguriang “Saddest Cat in the World”.

Talagang maraming mga netizens ang natuwa sa napaka-cute na hitsura ng kaniyang mga mukha sa mga larawang palaging ibinabahagi ng kaniyang amo sa social media. Halimbawa na lamang ang isang larawan na ito kung saan makikitang tila naglalaro siya ng isang berdeng jacket.

Tipikal na makikita sa mga alaga natin ang kaligayahan lalo na kung naglalaro sila ngunit para kay Lulu tila masaya na siya sa hitsura niyang ito. Noong bata pa si Lulu ay mayroon din siyang isang larawan kung saan makikita ang napakaganda niyang mga mata na noon ay hindi mo pa makikitaan ng kalungkutan.


Palagi din naman daw siyang nilalaro at inaalagaan ng kaniyang mga amo ngunit tila hindi pa rin nila nakikitang nakangiti o nagniningning ang mga mata nito. Mayroon din namang ibang mga kapatid si Lulu ngunit magkaibang-magkaiba sila ng hitsura.

Hindi sila kasing lungkot ng mukha at ng mga mata ng kapatid nilang si Lulu. Dagdag pa ng amo nila, nagagawa naman daw ni Lulu lahat ng kaniyang gusto sa loob ng kanilang tahanan ngunit nanatili pa rin ang kaniyang malungkot na hitsura.