Reaksyon ng batang nilapitan ng isang asong kalye, umantig sa puso ng publiko!

Marahil para sa nakararami sa atin, hindi biro ang manirahan sa lansangan. Hindi lamang tayong mga tao ang nakakaranas ng mga pagsubok na ito kundi maging mga hayop.

Kamakailan lamang ay umantig sa publiko ang pagkikita ng isang batang ito at ng isang asong nakatira sa lansangan. Tunay nga na kahit may hindi magandang amoy ang mga hayop na nakatira sa lansangan at madalas ay may mga garapata rin ang mga ito may iilang tao pa rin ang nakakatanggap sa kanila.

Tulad na lamang ng isang batang lalaki na ito na hindi nagdalawang-isip na hawakan ang isang asong kalye na lumapit sa kaniya. Kumalat sa iba’t-ibang social media platform ang video na ito ng isang bata na marahil ay nasa apat o limang taong gulang na nakaluhod sa harapan ng isang aso.


Hindi rin naman agresibo ang aso bagkus ay mapapansin talaga sa hitsura nitong palakaibigan siya. Yumuko ang bata at lumuhod sa harapan ng aso dahil nais niya pala itong hawakan at tila nakikipagkaibigan din ito sa mabait na hayop.

Mapapansin din naman sa aso na nagustuhan nito ang ginawa ng bata sa kaniya. Bagamat maiksi lamang ang video na iyon, tumatak na sa publiko ang kabutihang-loob ng bata.

Hindi nito alintana ang maaaring panganib na kaniyang kaharapin dahil sa ginawa niyang ito. Sa kabila ng maraming komento at reaksyon ng publiko ay hindi pa rin nila batid ang pagkakakilanlan ng mabait na bata.

Sa panahon ngayon na napakarami nang ugali ng mga kabataan ang nakikita nating hindi maganda, nakakatuwang malaman na mayroon pa rin palang mga ganitong klase ng sitwasyon kung saan talagang mapapatunayan nating likas na mabuti ang kalooban natin lalo na ng mga kabataan.

Mas nangibabaw pa rin ang wagas na pagmamalasakit at pag-ibig ng batang ito sa hayop na nagsilbi ring inspirasyon sa nakararami, kabataan man o hindi.