Pusa, inalagaan at pinapalaki ang mga “duckling” na ito na para bang tunay niyang mga kuting!

Inaantabayan nina Ronan at Emma Lally ang mga sisiw ng kanilang pato na malapit nang mapisa. Ngunit nang silipin nila ang mga ito ay wala silang nakitang mga sisiw mula sa pagkakapisa ng mga itlog na nakita nila sa lugar kung saan nakalagak ang mga ito.

Mayroon din silang alagang pusa at kutob nila ay mayroon itong kinalaman sa pagkakawala ng mga napisang sisiw. Ilang oras pa ang lumipas at natagpuan na nila ang pusa at ang mga sisiw.

Ngunit laking gulat na lamang nila dahil ibang-iba ito sa kanilang naisip. Kasama nga ng mga sisiw ang pusa ngunit ang pusa na mismo ang tumayong ina ng mga ito!

Ang alaga pala nilang pusa ay nanganak na sa mga kuting nito bago pa man mapisa ang mga itlog. Hindi pa batid ng mag-asawa kung paanong napunta ang mga sisiw doon sa pusa nila ngunit namangha sila nang husto nang makita ang pusang ito na talagang inaalagaan ang mga sisiw na akala mo ba ay mga supling nito.

Pinapakain din ng pusa ang mga sisiw kung kaya naman mas lalo pang namangha ang marami. Inakala ng mag-asawa na kinain na ng pusa ang mga sisiw na ito ngunit malaking pagkakamali pala iyon. Lumipas ang ilan pang buwan at lumaki na nga ang mga sisiw.

Ngunit nanatili pa ring malapit ang mga ito sa pusang nag-alaga sa kanila. Tunay nga na kahit pala magkaiba sila ng lahi ay hindi imposible na magkasundo ang mga ito.
Tulad na rin nating mga tao na kahit maraming pagkakaiba ay kaya rin naman palang magkasundo at magsama sa iisang bubong. Nakakatuwang malaman na maging ang mga hayop na ito ay may maituturo din pala sa ating mga tao.

Kung kaya naman sa susunod ay tiyak na mas magiging maingat na tayo sa paghusga hindi lamang sa mga alaga nating hayop kundi maging sa ating kapwa tao.